Monday , June 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Masama bang kuwestiyonin si Makati BPLO chief Atty. Maribert Pagente?
Masama bang kuwestiyonin si Makati BPLO chief Atty. Maribert Pagente?

Masama bang kuwestiyonin si Makati BPLO chief Atty. Maribert Pagente?

DELAYED reaction ba si Makati City Business Permits and Licensing Office (BPLO) chief, Atty. Maribert Pagente nang halos 12-buwan bago niya kami idinemanda?!

Sensitibo ba siya?! Ang tagal naman, inabot halos ng isang taon?! O baka naman mayroong nagsulsol?

O baka hindi niya masagot-sagot ang tanong namin kung bakit ‘yung dalawang insurance company na nasa pinto ng kanilang tanggapan ang nagtatakda ng akreditasyon sa iba pang insurance company?!

‘Yun lang naman ang tanong natin kaya nagtataka tayo kung bakit ang tagal bago nag-react si Atty. Pagente?!

Mula Enero 2017 hanggang Enero 2018 ay ni hindi nagtangka si Atty. Pagente na magpaliwa­nag kung bakit ‘yung dalawang insurance company na nasa pinto ng tanggapan niya ang nagtatakda kung sino ang insurance company na bibig­yan nila ng kreditasyon.

E ‘di ba, private insurance company rin ang Stronghold Inc., at Sterling Inc.? Bakit sila nga?!

Ganoon lang naman kasimple ang tanong ng inyong lingkod para sa kapakanan ng mga nagtatanong na mamamayan, pero imbes na sagot, subpoena ang natanggap namin?! Subpoena para sa asuntong Libel.

Wattafak!

Wala na ba talagang umiiral na kalayaan sa pamamahayag?! Sa social media na lang ba may freedom of speech na nababansagan pang luklukan o kanlungan ngayon ng fake news?!

Sonabagan!

Well, Atty. Pagente, welcome to the club!

Welcome to the club of sensitive government employees and officials na ayaw na ayaw masasaling o matatanong ang mga iregularidad na ‘starring’ sila.

Hope to see you soon.

3 PEKADORES
SINIBAK NI SOJ
VITALIANO
AGUIRRE

SUMABOG daw ang galit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos umabot sa kanyang kaalaman na tatlo sa mga staff ni Department of Justice (DOJ) Usec. Erickson Balmes ang kumana ng ilang milyong piso sa pamamagitan ng pagsingil sa “Quota Visa” para sa Chinese nationals.

Sina Cyruz Morota, isang JO Abvic Ryan Manghirang, at Shigred Erigbuagas na pawang exe­cutive assistant at admin aide ay nabuking na naningil ng kabuuang P5 milyon para magpro­seso ng nasabing mga Quota Visa!

Wattafak!?

Mula pa raw September 2017 ay inumpisahan na nilang ayusin ang mga application ng kanilang mga kliyente pero hanggang inabot nang siyam-siyam, wala pa rin maipakitang resulta sa kanilang mga kliyente kaya minabuti nilang mag-file na ng reklamo laban sa grupo.

Sa kasagsagan ng imbestigasyon na ginawa ng NBI, napag-alaman na kasama pala sa mga bulilyaso ng tatlong akusado ang pamemeke sa lagda ni Usec. Balmes kasama rin ang fake stamp galing sa opisina ni BI Commissioner Jaime Morente na kanilang iniharap sa mga apli­kante ng nasabing visa.

Sa ngayon ay tuluyan nang inalis sa serbisyo ang grupo nina Morota, Maghirang at Erigbuegas at pinag-aaralan pa ang iba pang mga kaso na puwedeng isampa sa kanila!

Sa inilabas na statement ng Departamento ni SOJ Aguirre, magsilbing aral para sa lahat ang ganitong ginawa o aktibidades ng ilang grupo riyan sa DOJ, BI, NBI na mahilig dumiskarteng bulok para lamang kumita.

Sapol kayo ngayon!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved