Categories: Hataw Lifestyle

Mabisa talaga ang Krystall Oil at Nature Herbs

Dearest Ate Fely,

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Ako po ay sumulat dahil nais ko pong makita nang personal si Miss Fely Guy Ong at sumali na rin sa inyong patimpalak.

Sana po ay mapili ninyo ang aking liham na nagsasaad ng patotoo ukol sa bisa at galing ng Krystall Oil at Krystall Nature Herbs na nasubukan ko noong magkaroon ng lagnat ang anak ko kinagabihan, dahil siguro po sa panahon nga­yon.

Maayos pa ang panahon nang pumasok sa eskuwelahan ang anak kong babae na nasa ikaapat na baitang. Pag-uwi po sa bahay ay basang-basa sa pawis dahil sa sobrang init sa eskwelahan nila.

Noong pagdating nga po niya ay basang-basa ang kanyang damit.

Sabi ko po, bakit hindi siya nagpalit ng baon na t-shirt, hindi ko po hinintay ang sagot niya at pinagbihis ko na siya.

Kinagabihan ang taas po ng lagnat niya, halos alas 12:00 ng gabi at 1:00 ng madaling araw, wala na po kaming mabibilhan ng gamot dahil malayo kami at wala nang masasakyan.

Sa taranta ko po kung ano ang gagawin ay nakita ko ang Nature Herbs at Krystall Oil. Pinahiran ko po siya ng Krystall Herbal Oil buong katawan at pinainom ko siya ng Krystall Nature Herbs.

Sabi niya nga po, nang iniinom niya ang Krystall Nature Herbs and sarap daw po at sinasabi niya na gumaan ang pakiramdam niya.

Hindi ko po siya tinulugan nang muli ko po siyang hinipo ay bumaba na po ang lagnat niya. Kinaumagahan ay ayos na po ang anak ko at wala nang lagnat.

Nagpapasalamat,
MILA ANGELES
Novaliches,
Quezon City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.

COMMENTS
Fely Guy Ong

Share
Published by
Fely Guy Ong

Recent Posts

GRO ‘di natikman videoke bar niratrat 4 patay (Sa Cagayan)

APAT katao ang patay makaraan pag­babarilin ng mga suspek ang isang videoke bar nang hindi pumayag na makipagtalik sa kanila…

7 hours ago

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

8 hours ago

51 container vans ng basura mula sa South Korea itinambak sa PH?

HETO na naman, sanrekwang basura na naman ang dumating sa bansa sa pamamagitan ng mga container port. Kung dati ay…

8 hours ago

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

16 hours ago

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong, Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo. Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo…

16 hours ago

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang…

16 hours ago