Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / EAC Batangas tatangka sa unang panalo
EAC Batangas tatangka sa unang panalo

EAC Batangas tatangka sa unang panalo

NAIWAN bilang natatanging koponang wala pang panalo, susubok ngayon ang Emilio Aguinaldo College – Batangas na makaiskor ng isa kontra sa isa pang problemadong Jose Rizal University sa pagpapa­tuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup.

Kasalukuyang nasa pina­kababa ng team standings sa 0-4 kartada, sasagupain ng Generals (0-4) ang Heavy Bombers (1-3) sa 4:00 ng hapon sa Pasig Sports Center.

READ MORE:  Karera Tips ni Macho  

Ngunit bago iyon ay maghaharap ang AMA Online Education Titans (1-3) at Marinerong Pilipino (3-2) sa 2:00 ng hapon.

Kagagaling sa 93-96 kabiguan kontra sa Titans noong nakaraang linggo, hangad ni Coach Ariel Sison na makatikim sila ng tagumpay sa DLeague bilang paghahanda nila sa papalapit na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 94.

READ MORE:  Si Blatche ang buhay ng Gilas

Pangungunahan nina Je­rome Garcia, Juju Bautista kaakbay rin sina Cedric De Joya at Earvin Mendoza ang atake ng Generals.

Sa kabilang banda, nais patirin ng JRU ang tatlong sunod na kabiguan nito matapos si­mulan ang Aspirants’ Cup sa panalo.

Ayon kay head coach Gio Lasquety, dating Heavy Bombers, hindi dapat sila ma­ging kampante kahit nasa ibaba at wala pang panalo ang kaharap na EAC.

READ MORE:  Blatche balik-Pinas sa Hulyo

Nagmula sa 67-74 pagkatalo kontra sa Che-Lu-San Sebastian College noong nakaraang linggo, babanderahan nina Jeckster Apinan, MJ Dela Virgen at Jed Mendoza ang atake ng Heavy Bombers.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved