Monday , April 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BF ni Maja, join sa world tour concert
BF ni Maja, join sa world tour concert

BF ni Maja, join sa world tour concert

INI-ANNOUNCE ni Maja Salvador na sa February 23 na magsisimula ang world concert tour n’ya sa Oklahoma, USA at susundan ng isa pa sa Las Vegas naman (sa Amerika rin) sa February 25.

Sa  Instagram n’yang  @iammajasalvador ini-annnounce ni Maja ang pagsisimula ng world tour n’ya.

Sina Joseph Marco, Vin Abrenica, RK Bagatsing, at Pooh ang mga guest performer sa dalawang pagtatanghal na ‘yon.

Claremore Conference Center ang concert venue sa Oklahoma at Sam’s Town Theater naman ‘yung sa Las Vegas. Walang ibinigay na detalye si Maja kung gaano kalaki ang mga tanghalan na ‘yon.

Sasama kaya sa world tour ang boyfriend ni Maja na classmate n’ya noong high school?  Abangan!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved