Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Art Atayde dalawang beses niyaya sa concert date ang aktres na si Sylvia Sanchez noong Valentine’s Day (‘Di nagbabago ang love sa misis na aktres!)
Art Atayde dalawang beses niyaya sa concert date ang aktres na si Sylvia Sanchez noong Valentine’s Day (‘Di nagbabago ang love sa misis na aktres!)

Art Atayde dalawang beses niyaya sa concert date ang aktres na si Sylvia Sanchez noong Valentine’s Day (‘Di nagbabago ang love sa misis na aktres!)

KUNG hindi kami nagkamamali, dalawang dekada nang kasal sina Sylvia Sanchez at businessman husband na si Mr. Art Atayde.

At kahit matagal na panahon nang nagsasama ang dalawa ay hindi talaga nagbabago ang love at respeto ni Art kay Sylvia na last Valentine’s day ay dalawang beses nityang niyaya niyang sa date ang magandang misis.

Una sa pre-valentine concert ng Icon singer sa Hollywood na si Dionne Warwick sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel. Love daw ng mag-asawa ang music ni Dionne gaya ng 1979 hit song nitong “I’ll Never Love This Way Again” at “That’s What Friends Are For” na sumikat naman noong 1985.

READ MORE:  Heaven Peralejo idol si Ms. Sylvia Sanchez!

Sumunod na date ng mag-asawa ay pinanood nila ang SRO “Timeless OPM” concert nina Rico J. Puno, Imelda Papin, Claire dela Fuente at Rey Valera sa Newport Performing Arts sa Resorts World Manila at bentang-benta kay Sylvia ang mga green jokes ni Rico J kaya nag-enjoy silang pareho sa show.

READ MORE:  GMA, deeply mourns the passing of beloved kapuso Direk Maryo J. Delos Reyes

By the way sa recent interview sa actress na bida sa top rating afternoon teleserye na “Hanggang Saan” ay sinabi niyang mahal niya ang kanyang asawang si Art at hindi man siya perfect na wife ay nagagampanan pa rin daw niya ang obligasyon niya sa very loving at supportive na hubby.

READ MORE:  Gay matinee idol, sobra ang pagka-obsessed sa poging fashion model

Wow, wala talagang kupas ang asim at kilig ng relasyong Sylvia at Art.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved