Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pag-uugnay kina Daniel at Liza, ikinagalit ng fans
Pag-uugnay kina Daniel at Liza, ikinagalit ng fans

Pag-uugnay kina Daniel at Liza, ikinagalit ng fans

NAGALIT ang ilang mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo gayundin ang mga tagahanga ng loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil kay Robi Domingo.

Ito ay dahil sa tila panunukso ni Robi kina Liza at Daniel. Nagsimula ito nang i-upload ni Robi sa kanyang Instagram stories noon ding araw na ‘yon ang maikling video ng pakikipag-usap niya kay Liza sa backstage ng ASAP noong Linggo, February 11.

READ MORE:  Marc Cubales, patuloy ang charity works sa Montalban, Rizal

Habang nakatutok ang kanyang cell phone camera kay Liza, biglang ibinaling ni Robi kay Daniel, na nakaupo sa bandang gilid nila. Ngumiti lang si Daniel nang itutok sa kanya ni Robi ang camera. Pagbalik ng camera kay Liza ay tinanong ni Robi ang dalaga ng: “May sinasabi ka?”

Hindi naman nakasagot si Liza sa tanong na ‘yun ni Robi. Clueless kasi siya kung ano ang ibig sabihin ng binata.

READ MORE:  Pelikula ni Lamasan, tinatao, nakapagbibigay din ng maraming awards sa mga artista

Dahil nga sa video na ‘yun, na naging dahilan para magpadala ang mga nagalit na fans ng KathNiel at LizQuen ng kung ano-anong masasakit na mensahe laban kay Robi. Kaya naman binura na lang ni Robi ang  video sa kanyang IG account.

Pero may nakapag-upload niyon sa YouTube. At ginawan na ng kuwento ang video. At grabe ang panlalait sa kanya, huh! Tinawag siyang walang bayag, dahil hindi raw niya napanindigan ang video na in-upload niya at tinawag din siyang bakla.

READ MORE:  Ria Atayde, kinilig kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Na baka nga naman may gusto siya kay Daniel.

Pero may nagtanggol din naman kay Robi. Ang sabi ng isang netizen, huwag bigyan ng malisya ang ginawa ni Robi. Joke lang naman ‘yun ng ex ni Gretchen Ho.

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved