Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Taxi driver patay sa saksak ng katagay
Taxi driver patay sa saksak ng katagay

Taxi driver patay sa saksak ng katagay

PATAY ang isang 45-anyos lalaki nang bugbugin at saksakin ng kapwa taxi driver habang nag-iinoman sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Tarzon Tinay, residente sa Catleya St., Camarin, Brgy. 177 ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  P.2-M shabu nakompiska sa CamSur

Agad tumakas ang suspek na si Julie Sabordo, 50, kapwa taxi dri-ver, nakatira sa Champaca St., Brgy. Pasong Putik, Novaliches, Quezon City.

Batay sa ulat ni Caloocan deputy police chief for administration, Supt. Ferdinand Del Rosario, dakong 6:30 ng pm nang maganap ang insidente sa bahay ng kapwa nila taxi driver na si Nolie Sernio, 57, sa Mangga St., Sta. Rita, North Bukid Area, Tala, Brgy. 188.

READ MORE:  Piston bigo sa transport strike — MMDA
READ MORE:  Seizure ‘di heart condition — Honrado (Kaya nag-indefinite leave)

Nag-iinoman sila nang magtalo ang dalawa kaya inawat sila ni Sernio.

Ngunit sinuntok ni Sabordo ang biktima at pinagsasaksak ng icepick saka tumakas.

 (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved