Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / OFW sa freezer nalamog sa bugbog (Base sa awtopsiya)

OFW sa freezer nalamog sa bugbog (Base sa awtopsiya)

NABATID sa resulta ng awtopsiya sa labi ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinatay at isinilid sa freezer sa Kuwait, na may bali ang kaniyang tadyang at nagkaroon ng internal bleeding.

Ayon kay Renato Pedro Villa, Philippine Ambassador sa Kuwait, base sa awtopsiya ng forensic doctor sa Kuwait, labis na pambubugbog ang dahilan ng pagkamatay ni Demafelis.

Ang biktima aniya ay may bali sa tadyang, may mga sugat at trauma sa balakang, at kidney, at may pagdurugo sa loob ng katawan o internal bleeding.

READ MORE:  Lola, 67 utas sa QC fire

Sinabi ng opisyal, ina-alam ng mga awtoridad kung patay na si Demafelis nang ilagay sa freezer.

“Kasi ang nangyari pala, ang employer ‘di ba umalis sila, sumibat sila ng Kuwait, at bago sila umalis gusto nilang pagtakpan ‘yung kanilang ginawa, ini-report pa nila si Joanna na nag-abscond o tumakas sa bahay nila noong November 6, 2016. So pinapalabas nila na tumakas kaya wala sa kanila,” ayon kay Villa.

READ MORE:  OFWs bawal sa Kuwait

Hinahanap na umano ng mga awtoridad ng Kuwait ang mag-asawang Syrian at Lebanese na naging amo ni Demafelis ngunit ayon sa impormasyon ay wala na ang dalawa sa naturang bansa.

READ MORE:  2018 DFA budget sinasabotahe nga ba ni Senator Hontiveros?

Inalerto na rin umano ng Kuwaiti Minister of Interior ang Interpol para sa paghahanap sa mag-asawa.

Nakakandado umano ang apartment na kinatagpuan sa labi ni Demafelis at naka-on din ang freezer nang madiskobre ng mga awtoridad ang bangkay.

Inaasahan maibabalik sa bansa ang mga labi ni Demafelis ngayong Biyernes ng gabi.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved