Categories: Sports

Cruz sa TNT aprobado

BINASBASAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang trade na magtutulak kay Jericho Cruz patungong Talk ‘N Text mula sa Rain or Shine kahapon.

Ngunit para maisapinal ito ay kinailangan ng KaTropa na idagdag ang isa pa nilang guwardiya na si Kris Rosales sa naturang trade.

Bunsod nito, naidagdag si Rosales sa orihinal na trade package na sina rookie Sydney Onwubere at 2018 first round pick upang makuha ang star guard na si Cruz.

Magugunitang kamakai­lan ay ibinahagi ni Rain or Shine head coach Caloy Garcia na matagal nang hiling ni Cruz ang ma-trade at kung maaari ay sa NLEX upang makasama muli ang dating coach na si Yeng Guiao.

Bahagyang naisaktuparan ang kanyang hiling na mai-trade ngunit hindi sa NLEX kundi sa kapatid nitong koponan na TNT.

Gayonpaman, inaasa­hang magiging malaking tulong si Cruz sa kampo ng TNT na delikadong makapasok sa playoffs ngayong 2018 Philippine Cup.

Kasalukuyang nasa 4-6 ang kartada ng KaTropa matapos ang tatlong sunod na kabiguan. Nakakapit na lamang sila ngayon sa ikawalong puwesto at kinakailangan manalo kontra NLEX upang manati­ling buhay ang pag-asa.

Samantala, waring naka-jackpot ang Elasto Painters dahil tatlong manlalaro ang nakuha nito.

Hangad na mapatatag pa lalo ang puwesto sa ikaapat na ranggo bunsod ng 5-3 marka, magsisilbing dagdag na puwersa sa kanila ang rookie big man na si Onwubere gayondin ang kamador na si Rosales.

Bukod rito ay may tsansang makakuha ng malupit na pick ang Rain or Shine sa 2018 PBA Rookie Draft na puno ng talento dahil sa first round pick mula sa TNT.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS
John Bryan Ulanday

Share
Published by
John Bryan Ulanday

Recent Posts

Kapatid umigi ang pakiramdam sa Krystall products

Dear Sis Fely, Magandang buhay po, sumasainyo ang pag­papala ng Panginoong Yahweh El Shaddai sa ngalan ng bugtong niyang anak…

22 mins ago

Crackdown vs illegal aliens sa casino dapat tutukan ni Labor Sec. Bello

BUKOD sa magandang relasyon ngayon ng mga pinuno ng ating bansa at ng China, oportunidad para makapagtrabaho sa Filipinas ang…

25 mins ago

NDCP at seguridad ng bansa

MASIGABONG pagbati sa lahat ng miyembro ng Batch 27 ng katatapos na 5-araw na Executive Course on National Security (ECNS) na…

28 mins ago

Mga kilabot na konsehal tig-P30 milyon ang hirit kapalit ng train project

IBUBULGAR daw ng isang alkalde sa Metro Manila ang mga konsehal na nangingikil para maa­probahan ang malaking proyekto sa kanilang lungsod.…

31 mins ago

Loaf bread P2 taas presyo (Paborito sa Noche Buena)

INAPROBAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon ang P2 dagdag presyo para sa branded loaf bread. Sinabi ni DTI…

38 mins ago

‘Blackmail’ ng PECO binanatan ng solon

BINANATAN ng isang mambabatas ang Panay Electric Company (PECO) sa ginagawang ‘pananakot’ sa mga consumer at paninisi sa Kamara at…

45 mins ago