Categories: News

Arraignment kay Noynoy et al sinuspende

PORMAL na sinuspende ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina dating Pangulong Benigno “Noy­noy” Aquino III, dating PNP chief Alan Purisima, at dating Special Action Force (SAF) director Getulio Napeñas, sa mga kasong kriminal kaugnay sa Mamasapano encounter.

“This court thus holds in abeyance the arraignment and pre-trial it tentatively set on February 15, 2018 with respect to Aquino III, Purisima, and Napeñas,” ayon sa resolusyon ng Sandiganbayan.

Ang suspensiyon ay makaraan mag-isyu ang Supreme Court ng temporary restraining order hinggil sa kaso.

Ang bawat respondent ay nahaharap sa isang bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at usurpation of official function.

Nilagdaan nina Division chairperson Associate Justice Alex Quiroz, Associate Justices Reynaldo Cruz at Bayani Jacinto ang resolusyon noong 12 Pebrero.

Ang kaso laban sa mga respondent ay nag-ugat sa police anti-terror operation noong 2015 na ikinamatay ng pangunahing target na si Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir, alias Marwan, ngunit nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF members.

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Mula sa Patnugot: 15 taon nang humahataw

LAGI kaming nanganganay. ‘Yan ang katangian ng gawain sa pama­mahayag. Nagiging  beterano lang ang isang mamamahayag dahil sa kanilang edad…

6 hours ago

Gimik lang ba ang “Binay political war” sa Makati?

DRAMA, gimik o isang palabas lang ba ang nangyayaring “Binay political war” sa Makati City? Ano sa tingin ninyo? Nagtatanong…

6 hours ago

Victor Magtanggol ni Alden, sisibakin na; ‘Di pa rin makaalagwa sa AP

HABANG isinusulat namin ito’y in-exhaust namin ang dalawang paraan para kontakin ang GMA CorpCom kaugnay ng balitang sisibakin na sa ere ang Victor…

6 hours ago

Running joke nina Aga at Lea, minasama ng netizens

SABI na nga ba eh, may magre-react doon sa comment ni Lea Salonga sa pagkanta ni Aga Muhlach ng “pasado…

6 hours ago

Beteranong actor, sa anak na actor na walang trabaho humihingi ng luho

MABUTI na lang at magiging aktibong muli ang beteranong aktor na ito, at bakit naman aber? Inirereklamo kasi siya ng…

6 hours ago

Sexy pictorial ni Jake, ikina-react ng ilang kapwa artista

SI Jake Cuenca ang pinaka-senior sa edad at sa stature sa limang Los Bastardos. At para siguro ipadama sa madla at kina Albie Casino,…

6 hours ago