Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KZ, close na kay Jessie J; aminadong malaki ang influence
KZ, close na kay Jessie J; aminadong malaki ang influence

KZ, close na kay Jessie J; aminadong malaki ang influence

AT DAHIL lagi nang nag-uusap sina KZ at Jessie J ay tinanong kung close na sila.

“Feeling ko lang, he, he. Pero sobrang na-appreciate ko na everytime na nakikita niya ako, in-encourage niya ako at everytime na magkatabi kami at naghihintay ng results, hinahawakan niya kamay ko kasi alam niyang kinakabahan ako, kaya sobra ko siyang na-appreciate kahit alam niyang sobrang faney na faney ako sa kanya, she doesn’t make me feel na I’m below her,” saad ng singer.

At bilang fan girl ni Jessie J ay inamin ni KZ na hindi niya gustong matalo ang una, “hindi, eh kasi nga kung makita lang ninyo ang reaksiyon ko kapag nagpe-perform siya, sila (contestants) sila parati ‘yung pumipigil na, ‘beh, masyadong fan na fan ang dating.’

“Siyempre kung ano ako ngayon, napakalaki ng factor ni Jessie J, kumbaga ‘yung mga kalokohang ginagawa ko sa stage, minana ko lang sa kanya. Naging malaking influence sa akin si Jessie J, pero hindi ko naman siya ginagaya, ang dami kong natutuhan sa kanya na ngayon ay ini-incorporate ko sa sarili kong style,” pag-amin nito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved