Categories: News

INC leader itinalagang special envoy ni Duterte (Para sa OFWs)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eduardo Villanueva Manalo bilang Special Envoy of the Pre­sident for OFWs concerns.

Epektibo ang kanyang appointment mula 30 Enero  2018 hanggang 29 Enero 29, 2019.

Inaabangan ng publiko kung ang pagtatalaga kay Manalo bilang Special Envoy ng pangulo ay tatanggapin at babasbasan ng buong INC.

Ayon sa isang political observer, tila may “impropriety” sa pagtanggap ni Manalo ng puwesto sa gobyerno lalo na’t may separation of the Church and State provision sa Philippine Constitution at ang isang religious group ay inaasahang “neutral” sa usaping politika.

Habang si Herman Billones Jumilla ay bagong undersecretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Si Jumilla ang kapalit ng dating usec ng DBM na si Gertrudo de Leon na una nang sinibak sa puwesto ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng katiwalian.

Mahigit 20 personalidad pa ang itinalaga sa puwesto ng pangulo sa DILG bilang mga director at operations officers, habang 16 ang mga bagong government prosecutor.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS
Rose Novenario

Share
Published by
Rose Novenario

Recent Posts

Andi to Jake — they are really good people

MAAYOS na ang relasyon nina Andi Eigenmann at tatay ng anak niyang si Ellie na si Jake Ejercito, ito ay base sa kuwento sa amin…

1 day ago

Hindi ko akalain na importante ako sa ABS-CBN — Regine

NOW it can be told, opisyal ng Kapamilya si Regine Velasquez-Alcasid! Dalawang taon ang kontrata ni Regine sa ABS-CBN. Dalawampung…

1 day ago

Baby Go, proud sa pelikulang School Service

IPINAHAYAG ng lady boss ng BG Productions na si Baby Go ang kagalakan dahil nakapasok ang pelikula niyang School Service sa prestihiyosong…

1 day ago

Rayantha Leigh, pararangalan sa Japan

May bagong blessing sa young recording artist na si Rayantha Leigh dahil parara­ngalan siya sa 5th World Class Excellence award sa…

1 day ago

Beautician, trike driver tiklo sa buy-bust

HULI ang isang beautician at tricycle driver sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City,…

1 day ago

‘Rambol’ ng pamilya sa politika

KAKATWA ang political happenings ngayon sa Parañaque City. ‘Yung muling paghahain ni dating mayor Florencio “Jun” Bernabe ng kandidatura para…

1 day ago