Tuesday , March 19 2024

Doktor ‘utak’ sa ambush sa abogado

MASUSING iniimbestigahan ang isang doktor bilang utak sa ambush sa isang abogado sa Quezon City kamakailan, na napatay ang isang suspek na pulis, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, hinawakan ni Atty. Arjel Cabatbat, ang target sa ambush, ang isang kaso na nagresulta sa pagkasibak sa trabaho ng naturang doktor, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District.

“Mayroon silang (Cabatbat) isang kasamahan na napatay na rin na ang kanilang pinaghihinalaan ay iyong same doctor na napatanggal niya sa trabaho,” aniya.

“Sa ngayon po, iyon ang ating pina-pursue na lead, unless magkaroon tayo ng iba pang development o impormasyon na puwedeng magbigay sa atin ng ibang motibo,” dagdag ng opisyal.

Magugunitang  tatlong lalaking nakamotorsiklo ang nanambang sa SUV ni Cabatbat sa EDSA nitong Martes ng madaling-araw.

Napatay ang isa sa mga suspek na si PO1 Mark Boquela Ayeras makaraan mawalan ng balanse at masagasaan ng SUV.

Habang nahuli ang kasamahan niyang si John Paul Napoles at nakatakas ang isa pa nilang kasabwat na pinaniniwalaang nasugatan.

Samantala, hindi nasaktan ang abogado sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, kinompirma ng QCPD na  AWOL o absent without leave ang napatay na pulis.

Tumangging magbigay ng pahayag ang arestadong si Napoles, ayon kay Eleazar.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr teachers

Sen Bong kampyon ng mga guro, teaching allowance madodoble na 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMING mga guro ang natuwa dahil aprubado na ng Senado …

Malolos-Bocaue SCR Phase 1 Viaduct

Malolos-Bocaue SCR Phase 1 Viaduct tapos na

KOMPLETO na ang napakalaking North-South Commuter Railway (NSCR) viaduct. Ang 14-kilometrong natapos na bahagi ng …

3 lalaking suspek sa kinawat na kawad  ng koryente ‘minasaker’

3 lalaking suspek sa kinawat na kawad  ng koryente ‘minasaker’

TATLONG lalaking pinaghihinalaang mga tirador ng kawad ng koryente ang natagpuang wala nang buhay attadtad …

Arrest Caloocan

2 wanted na  rapist huli sa Kankaloo

ARESTADO ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa kaso ng panggagahasa matapos matimbog ng pulisya …

shabu drug arrest

3 adik huli sa P.1-M shabu

SA KULUNGAN bumagsak ang tatlong drug suspects, kabilang ang isang babae matapos makuhaan ng mahigit …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *