Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Imelda, may bagong titulo
Imelda, may bagong titulo

Imelda, may bagong titulo

NAPAIYAK ang Juke Box Queen na si Imelda Papin noong magdiwang ng kaarawan, January 25, dahil binati siya ng mga miyembro ng KAPPT at mga panauhin.

Naging emosyonal din siya nang makitang dumarating ang tatlong apo ng kanyang unika ihang si Marifi na kararating lang pala galing ng America.

Nawala ang poise ni Imelda noong yakapin ng mga apo at sinabihang mahal na mahal ang lola. Ayaw nga sana ni Mel na tawagin siyang  lola, pero walang magagawa, bago niyang titulo ito para sa pamilya.

Napansin naming maraming bisita ang nagbigay ng mensahe at iisa ang tema, ang malaking utang na loob sa nagawa ni Mel sa kanila, na karamihan ay may mga karamdaman.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved