Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Cainta police official patay sa enkuwentro
Cainta police official patay sa enkuwentro

Cainta police official patay sa enkuwentro

BINAWIAN ng buhay ang deputy chief ng Cainta police sa Rizal makaraan makabakbakan ang ilang drug suspect, nitong Linggo ng gabi.

Nagresponde ang biktimang si Senior Insp. Jimmy Senosin at mga tauhan sa floodway ng Cainta mak­araan makatanggap ng tawag na may armadong grupo sa lugar, ayon kay Cainta police chief, Supt. Ray Rosero.

READ MORE:  Principal napatay amok na titser nag-suicide

Ngunit habang papasok ang mga operatiba sa lugar pinaputukan sila at hinagisan ng gra-nada ng mga suspek na kinilala  sa alyas na Ruben at Ekis.

READ MORE:  P786-B buwis target sa TRAIN (PH para hindi mabaon sa utang)

Tinamaan ng bala sa ulo si Senosin. Isinugod siya sa ospital, ngunit hindi na naisalba ang buhay.

READ MORE:  Media diskriminado sa Palasyo (Divide and rule tactic)

Nakatakas ang mga suspek na sina Ruben at Ekis ngunit arestado ang mga itinurong kasabwat na isang Ronald Idolog at Josephine Lachica.

(ED MORENO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved