Monday , August 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano extended sa taas ng ratings nagkamit pa ng parangal sa Walk on Water Awards 2018
Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano extended sa taas ng ratings nagkamit pa ng parangal sa Walk on Water Awards 2018

Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano extended sa taas ng ratings nagkamit pa ng parangal sa Walk on Water Awards 2018

BALI-BALITA noon na hanggang January ngayong taon ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” ng Hari ng Telebisyon na si Coco Martin. Pero nang makausap ni kaibigang Reggee Bonoan na kapwa namin columnist dito sa pahayagang Hataw ‘D’yaryo ng Bayan No.1 sa Balita’ ay nabanggit sa kanya ng kind and sweet na business unit head ng Dreamscape na si Sir Deo Endrinal na naka-block hanggang July ang mga bagong sikat na artista na kinuha nila para mag-guest sa action-drama series ni Coco. At marami pang mangyayari sa serye kaya abangan niyo. Ibig sabihin ay extended pa ito at matagal pa ninyong mapapanood sa primetime bida timeslot ng Kapamilya network.

READ MORE:  TV5, ‘di paaawat sa mga bagong show ngayong 2016

Sabagay sa husay ng creative team ng Dreamscape na kinabibilangan din ni Coco ay marami pang puwedeng talakayin  sa show lalo na’t hindi nauubusan ng issue sa ating gobyerno. Sa bagong episode nila ay target ng grupo (Vendetta) ni Cardo (Martin) si Mayor Jethro Garrido(Bernard Palanca) na isa na namang drug lord  na nambibiktima ng mga estudyanteng binebentahan ng droga ng kanyang mga tauhan.

READ MORE:  Sa pagkikita nina Sunshine at Cesar: Alam ko si God ang kumilos
READ MORE:  Maepal na female TV celeb, sobrang nakaistorbo sa AlDub

Gustong patahimikin nina Don Emilio (Eddie Garcia) at Senator Mateo De Silva (Joko Diaz) si Alakdan dahil marami nang alam sa kanilang operasyon. Samantala pinarangalan ng Walk On Water Awards 2018 ang FPJ’s Ang Probinsyano bilang “Creative Breaktrough Long Form Category.”

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved