Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan
Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan

Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan

DEL GALLEGO, Camarines Sur – Tatlong biktima ang patay habang 10 ang sugatan makaraan sumalpok ang isang bus sa puno sa gilid ng Andaya Highway sa bayang ito, nitong Sabado.

Ayon sa mga pasahero, mabilis ang takbo ng Fortune Star bus na may 57 pasahero nang mawa­lan ng kontrol ang driver pagdating sa Brgy. Sinukpin, 9:00 ng gabi.

READ MORE:  Taas-sahod ng pulis inihain sa Senado

Dahil dito, nahulog ang bus sa shoulder ng kalsada at nang sinubukang makabalik ay tumama ang likuran nito sa puno ng narra.

Nawasak ang likod ng sasakyan dahil sa lakas ng pagsalpok, ayon sa ulat ni SPO2 Pedro Adulta.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang isang babaeng pasahero. Habang sa ospital nalagutan ng hininga ang isang 5-buwan-gulang sanggol at kanyang ina.

READ MORE:  Bong Go sa Senado tututukan ng Pangulo

Pito sa 11 nasugatan ang nananatili sa ospital, kabilang ang ama ng sanggol.

Kaugnay nito, tumangging magbigay ng pahayag ang 64-anyos bus driver na si Bernardo Paris. Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple serious physical injuries.

READ MORE:  Court employees reresbak sa SONA (Sa pakikialam sa JDF)

Samantala, nakiusap si Adulta sa Department of Public Works and Highways na ayusin ang aniya’y accident-prone na kalsada.

“Mas mataas ang kalsada kaysa sa shoulder ng mga 10 inches kaya once na mahulog, mahihirapan bumalik,” paliwanag ng pulis.

Galing sa Guian, Eastern Samar ang bus at papunta sa Maynila.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved