Categories: Showbiz

Mark, trending ang ‘intimate moment’ sa sikat na aktor

NAGULUHAN ka ba, Tita Maricris sa ginawang pag-amin ni Mark Bautista na nagkaroon sila ng intimate moments ng isang sikat na actor na kaibigan niya? Ako hindi. Kasi bago pa niya Isinulat iyan, matagal na rin nating naririnig iyan. Ilang ulit na ring nasulat iyan na parang blind item, at inamin man niyang siya ang other half ng “intimate relastionship” nananatili namang blind item kung sino ang other half. Pero iyan iyong klaseng sabihin mang “hindi mo nakikita” ah palagay ko naman “kapang-kapa” mo na.

Magagaling iyong mga tao eh, natawa nga kami dahil may nag-post pa ng video ng isang television interview ng isang aktres na tila ang sinasabing “intimate moments” na kinasangkutan ni Mark ang dahilan ng kanyang pakikipag-split sa kanyang boyfriend. Pero putol ang video, kaya hindi mo rin masabi kung ang tinutukoy na boyfriend ng aktres ay si Mark, o iyong “other half”.

Pero ayaw na naming pag-usapan iyan, kasi rito sa amin sa Quezon City, may batas na nagbabawal na laitin ang mga bading. Baka kung sabihin namin nang diretsahan ay sabihin pang nilalait namin ang mga bading at ipakulong pa kami ni Mayor Bistek (Herbert Bautista). Bawal na rin iyan sa lalawigan ng Bulacan, kaya mahirap nang magsalita.

Pero ang masasabi namin diyan, kung umamin man si Mark, ang daming iba pang ganyang sitwasyon sa showbusiness. Trending nga siya eh. Kasi ngayon may nababalitaan kaming isang character actor na aamin na rin  sa naging intimate moments nila ng isang director at isang movie writer.

Mayroon pa ngang sa kanyang social media account ay nagkuwento kung ano ang naganap sa kanila sa isang intimate moment ng isang male star. Detalyado ang kuwento ng bading, magugulat ka.

Mayroon pang nagsabing ilalabas na niya ang video ng intimate moment nila ng isang male star. Kaya mukhang masasabing ang inamin ni Mark sa kanyang libro ay talamak na rin sa showbusiness. At saka hindi iyan ang hinihintay namin eh. Ang hinihintay namin ay iyong pag-amin ng isang male star sa naging relasyon nila ng isang network executive. Mukhang mas makulay iyon, dahil narinig na rin namin ang kuwentong iyon “from the horse’s mouth mismo”.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

COMMENTS
Ed de Leon

Share
Published by
Ed de Leon

Recent Posts

Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o…

4 hours ago

3 kandidata ng Miss Earth, pare-pareho ng reklamo

SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na…

4 hours ago

Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay

KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan…

4 hours ago

Atty. Falcis, may bagong inaaway

NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon…

4 hours ago

Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?

NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”,…

4 hours ago

Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba

UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team…

5 hours ago