Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Seminar sa Reoryentasyon sa Pagtuturo ng Panitikan, nakatakda sa Bikol at Bukidnon
Seminar sa Reoryentasyon sa Pagtuturo ng Panitikan, nakatakda sa Bikol at Bukidnon

Seminar sa Reoryentasyon sa Pagtuturo ng Panitikan, nakatakda sa Bikol at Bukidnon

LAYUNIN ng seminar na mabigyan ng reor­yentasyon ang mga guro sa pagtuturo ng panitikan na nakabatay sa likás na kata­ngian ng panitikang Filipino at maka-Filipinong pananaw.

Magkakaroon ng mga panayam at talakayan hinggil sa halaga ng panitikan sa edukasyon, estado ng panitikan sa mga rehiyon, at lápit sa pagtuturo ng panitikan.

Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa epiko, kuwentong-bayan, at panitikang rehiyonal.

Bukás ito sa mga punong guro, tagapag-ugnay, mga guro sa Filipino at pa­nitikan sa elementarya, sekundarya, at tersiyarya na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Para sa pagpapatalâ at iba ipang detal­ye, makipag-ugnay sa sumusunod: Bukidnon State University, Malaybalay, Bukidnon, Dr. Rodello D. Pepito, Direktor, Sentro ng Wika at Kultura [email protected], 0905-6762217; Central Bicol State University of Agriculture, Pili, Camarines Sur, Dr. Lourdes S. Bascuña

Direktor, Sentro ng Wika at Kultura [email protected], 0918-3667966

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved