Wednesday , May 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juday, balik sa paggawa ng teleserye
Juday, balik sa paggawa ng teleserye

Juday, balik sa paggawa ng teleserye

PAGKARAAN ng limang taong hindi paggawa ng teleserye ni Judy Ann Santos, mismong ang aktres ang nagpahayag na babalik siya sa paggawa nito.

Sa kanyang Instagram, sinabi ng tinaguriang Queen of Philippine Soap Operas, na handa na siyang muling magtrabaho sa kanyang unang ABS-CBN teleserye pagkaraan ng limang taon.

Pinasalamatan din niya ang Dreamscape Entertainment Television ng ABS-CBN na pinamumunuan ni Deo Endrinal na pinagkatiwalaan siya para gumawa ng isang show.

Kung ating matatandaan, taong 2015 sana niya gagawin ang Someone To Watch Over Me kasama si Richard Yap subalit hindi ito natuloy dahil sa nabuntis.

Ang Huwag Ka Lang Mawawala noong 2013 ang huling TV series ni Juday sa Dreamscape.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved