Categories: Showbiz

Bahay ni Kris, mala-flower at gift shop (sa rami ng nagpadala ng regalo)

BINATI ni Kris Aquino ang dating Presidenteng si Noynoy Aquino kahapon sa kanyang IG/FB account dahil kaarawan nito.

Nag- post si Kris ng litratong karga ni Presidente Corazon C. Aquino si Kuya Noy niya, “trying to stay awake til midnight to post this but it’s been a long work day… 11 years & 6 days before I was born, 58 years ago this February 8, God brought our Mom’s favorite son & our favorite brother (his words-because no choice he was the only one) into this world.

“You all have to agree, he was 1 cute baby! To the man who possesses so many qualities I still need to grow up enough to possess, namely HUMILITY, NATURAL SIMPLICITY, UNDEMANDING WAYS, LIKING A LOW PROFILE & PRIVACY, and really HAVING HAD NO OTHER DESIRE BUT TO GIVE TRUE & DEDICATED PUBLIC SERVICE- my only wish is good health, peace of mind, and that true & lasting LOVE may no longer be elusive- parati n’yang joke na kung Ico-compare natin sa COKE ang love life nya Coke Zero, sana this 2018 ‘yung RED COKE na & sana ‘yung buong canning plant, no correction, sana yung Philippine distribution na ang mapunta sa kanya. Kuya Josh, Bimb, & I love & celebrate you. Happy Birthday Noy/Tito Noy! #family.”

Wish din namin kay Presidente Noynoy mula sa Hataw na sana matagpuan na niya ang kanyang ‘forever’ para maging Red Coke na ang dating Coke Zero at malusog na pangangatawan.

Naaliw naman kami sa hitsura ng bahay ngayon nina Kris, Joshua, at Bimby dahil mala-flower at gift shop sa rami ng magaganda at mamahaling bulaklak with matching pink balloons na advance birthday gifts sa kanya para sa nalalapit niyang kaarawan sa Pebrero 14.

Kulay rosas ang buong bahay ni Kris at tulad din ng wish namin sa Kuya Noynoy niya na maging rosas din ang lovelife niya.

Hindi naman nalimutang pasalamatan ng Queen of Online World at Social Media ang lahat ng nagpadala ng regalo sa kanya.

“I want to say THANK YOU to my #KCAP Family. They had to adjust & shoot 2 print endorsements here at home. I was so pleasantly surprised w/ the early birthday surprise. Thank you @nbsalert @hallmark_ph @healthyfamilyph @ultherapyph @bakecheesetart_ph @aperitif_ph @petalier_ @boss1020 @_piasantos @theglasshouseflowers @blloons_ @marnie711 @ceenriquez @teamofloristeria @niceprintphoto @humanheartnature @loveluxebags and @proctergamble.

“I celebrate all the blessings God is showering my life with-but more than that I thank my Creator for the LOVE so present in my life.”

 FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

COMMENTS
Reggee Bonoan

Share
Published by
Reggee Bonoan

Recent Posts

Polo Ravales, thankful sa bagong project sa BG Productions International

BALIK-BG Productions International si Polo Ravales. Isa siya sa tampok sa pelikulang may working title na Hipnotismo. Uumpisahan na ngayong…

21 hours ago

Coco, sobra-sobra ang respeto sa pulisya; dialogo kay Albayalde, hiniling

HUMINGI ng paumanhin kamakailan si Coco Martin kay Philippine National Police Director General Oscar Albayalde gayundin sa buong pulisya kung hindi naging maganda ang dating…

21 hours ago

Calvin at lola nito, gagawing endorser ni Vice ng kanyang Vice Cosmetics

ANIMO’y may rally o kampanya kahapon ng hapon sa Market Market dahil sa rami ng taong nag-abang sa pagdating ni Vice…

21 hours ago

Kris Aquino, kakasuhan ang abogadong kapatid ni Nicko Falcis

NAGLABAS ng statement si Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa Divina Law bilang tugon sa mga ipinahayag ni Atty. Jesus Falcis sa media…

21 hours ago

Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

ANO ba talaga ang papel ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City?! Sitahin ang mga lumalabag sa kanilang ordinansa…

21 hours ago

Comelec: Walang masama sa pagtakbo ni Alan at Lani sa Taguig

ANG Commission on Elections na mismo ang nagsabi na walang illegal o masama sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary…

22 hours ago