Categories: News

Rice shortage genuine o artipisyal (‘Drama’ bubusisiin ni Evasco)

BUBUSISIIN ni Cabinet Secretary at National Food Authority (NFA) Council chairman Leoncio ‘Jun” Evasco kung drama lang ang nararanasang shortage ng NFA rice sa pamilihan sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinabi ni Evasco sa phone patch interview kahapon, aalamin ng konseho kung drama lang ang NFA rice shortage upang aprobahan ang panukalang mag-angkat ng bigas.

Karaniwan aniyang nakatatanggap ng rekomendasyon ang interagency council mula sa food security cluster kung kailangan mag-import ng bigas.

“If there is a proposal to purchase rice from outside, we have to look into a recommendation from food security. They’re the ones tracking down if there is rice shortage now or next few weeks,” ani Evasco.

Sa kasalukuyan aniya, ang NFA Council na binubuo ng mga kinatawan mula sa National Economic and Development Authority, Bangko Sentral ng Pilipinas, Deparment of Finance, Land Bank of the Philippines, and Department of Trade and Industry, “did not receive any notice  from the food security that there is urgency to buy rice.”

“We will find out what really is true or this is just a drama to pressure the Council to purchase rice,” giit ni Evasco.

Binigyan diin ng Kalihim, masyadong sensitibo ang usapin at ayaw niyang isiwalat ito sa publiko.

Responsibilidad aniya ng konseho na bigyan proteksiyon ang pamahalaan sa mga mapagsamantalang pagbili ng bigas.

“We have a task to protect government from unscrupulous pruchases of rice,” dagdag niya. .

Napaulat na dalawang araw na lang ang stock ng NFA rice.

“I don’t want to say it’s true or not but I have to operate with actual operation. I have to check if that is true or not. We have to be very, very careful  in purchasing rice from outside also so as not to threaten production of our farmers,” dagdag niya.

Matatandaan, humirit ang NFA sa konseho na umangkat ng 250,000 metric tons ng bigas noong nakaraang taon na naging sanhi ng iringan nina Evasco at NFA administrator Jason Aquino.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS
Rose Novenario

Share
Published by
Rose Novenario

Recent Posts

Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o…

6 hours ago

3 kandidata ng Miss Earth, pare-pareho ng reklamo

SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na…

6 hours ago

Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay

KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan…

6 hours ago

Atty. Falcis, may bagong inaaway

NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon…

6 hours ago

Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?

NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”,…

7 hours ago

Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba

UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team…

7 hours ago