Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JLC at Ellen, sinisimulan na ang pag-i-invest
JLC at Ellen, sinisimulan na ang pag-i-invest

JLC at Ellen, sinisimulan na ang pag-i-invest

MAGKATOTOO man o hindi na magpapakasal ang ngayon ay magka-live-in na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, mukhang nagsisimula nang mag-invest ang magsing-irog na ayaw malaos habang nagtatago sa madla.

Nag-post sila sa respective Instagram nila ng pictures ng isang bulubunduking lupain na mukhang balak nilang bilhin—batay sa isinulat nilang captions sa mga litrato. Pero hindi nila nilinaw kung nasaang probinsiya ang lupaing ‘yon.

READ MORE:  Sen. Chiz, no choice sa gustong bilang na anak ni Heart

Ang Instagram ni John Lloyd ay @ekomsi. Ang kay Ellen ay @maria.elena.adarna.

Caption ni Lloydie sa isang pic: “My view is my empire,” at “Mine, yours.” Nag-comment si Ellen sa pamamagitan ng “heart” emoji.

READ MORE:  Nagparetoke, lalong naging chakah!

May ipinost din si Ellen na video na namamangka sila sa dagat na nasa paanan ng bundok. Parang nakatakip ng unan ang tiyan ni Ellen. Parang itinatago pa rin n’ya ang pagiging buntis n’ya. Wala siyang make-up. Ang ganda pa rin n’ya!

READ MORE:  ALAM national chairman Jerry Yap at pahayagang Hataw kinilala ng Komisyon sa Wikang Pilipino

May part sa video na naglalakad sila sa dalampasigan na maraming maliliit na alimasag sa buhanginan.

Kailan kaya sila haharap sa madla? Magpapakasal nga ba sila?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved