Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daguhoy project, naiwan ni direk Maryo para kay Cesar
Daguhoy project, naiwan ni direk Maryo para kay Cesar

Daguhoy project, naiwan ni direk Maryo para kay Cesar

 

MULA sa talumpati ni Gardy Labad, kababata ni Direk Maryo J. at kilala sa industriya ay napag-alamang mayroon silang inihahandang pelikula tugkol sa bayani ng Bohol na si Carlos Daguhoy. Katunayan, naitimbre na ito sa GMA-7 na bida si Cesar Montano at sa panulat ni Ricky Lee pero ngayong namayapa ang direktor, matutuloy pa kaya ito?

Malaking naimbag ni Direk Maryo J. sa kanyang probinsiya dahil dinala niya roon ang film festival na naging daan para magkaroon ng inspirasyong mga kabataan na gumawa ng mga pelikula.

May malaking lupain si Direk Maryo J sa Bohol, ang Alicia Farm na gusto nitong gawing bakasyunan ng mga artista at trabahador ng industriya. Plano rin nitong magkaroon ng isang akademya na itatayo sa malawak na roaming hills. Sa pagpanaw nito, biglang nagluksa ang buong lalawigan ng Bohol at bibigyan siya posthumous award ng gabing ‘yun.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved