Monday , July 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Oil companies nagtaas ng presyo
Oil companies nagtaas ng presyo

Oil companies nagtaas ng presyo

NAGPATUPAD ng oil price hike ang mga kom-panya ng langis sa kanilang produktong petrol-yo ngayong araw ng Martes.

Ang ika-anim dag­dag presyo ay pinangunahan ng  Flying V, na nag­dagdag ng P0.50 kada litro sa gasolina, P0.35 sa diesel at P0.60 sa kerosene, dakong 12:01 ngayong madaling-araw.

Sinundan agad  ito ng Total Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Pilipinas Shell, epektibo 6:00 am.

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod nang patuloy na paggalaw sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag presyo ang oil companies, ng P0.45 kada litro sa gasolina, P0.50 sa diesel at P0.50 sa kerosene. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved