Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lady executive off’l ni Mayor Robes pinaslang (Sa City of San Jose del Monte)
Lady executive off’l ni Mayor Robes pinaslang (Sa City of San Jose del Monte)

Lady executive off’l ni Mayor Robes pinaslang (Sa City of San Jose del Monte)

PATAY sa apat na tama ng bala sa ulo ang lady executive official ng alkalde ng City of san Jose del Monte, Bulacan, kagabi.

Sa inisyal na ulat, sinabing ang biktima na si Orpha Morauda Velasquez, kasalukuyang Executive Assistant ng City Government of San Jose del Monte, Bulacan, ay nasa tapat ng kanilang tarangkahan nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki na nakasakay sa isang motor at isang puting van.

READ MORE:  Media sinabon ng Pangulo (Sa pinalaking ‘tuhod joke’)

Isinugod sa isang ospital sa Tungkong Mangga, CSJDM ang biktima ngunit hindi naisalba ang kanyang buhay.

Bukod sa pagiging executive assistant, sinabing si Morauda-Velas­quez ay miyembro rin ng Bids and Awards Committee (BAC) ng lungsod.

READ MORE:  2-anyos nene nangisay sa washing machine

Isinusulat ang balitang ito’y wala pang opisyal na ulat ang pulisya ng CSJDM.

Ang biktima ay dating Political Affairs Assistant III ng kasalukuyang alkalde ng lungsod noong kinatawan pa sa Kongreso.

READ MORE:  Palpak ang Prime Waters sa San JoseDel Monte

Pumalit sa puwesto ni Robes sa Kamara ang kabiyak niyang si Rep. Rida Robes.

Walang inilabas na pahayag ang pamilya ni Morauda-Velasquez.

Gayonman, umaasa ang naulilang pamilya na maigagawad ang katarungan sa pinaslang nilang kaanak.  (GMG)

COMMENTS

About G. M. Galuno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved