Friday , April 19 2024

Maja, nagtapat: walang balikan kung ‘di ako nirespeto

INAABANGAN ng publiko kung paano magtatapos ang seryeng Wildflower ni Maja Salvador dahil halos naipakita na lahat kaya sa ginanap na farewell presscon ng programa ay tinanong ang aktres kung ano pa ang aasahan ng mga sumusubaybay ng serye niya.

Birong sabi ng aktres, ”baka sasakay ako sa space ship, ha, ha, joke lang.”

Ipinasalo ni Maja ang tanong sa business unit head ng Wildflower na si Direk Ruel S. Bayani para sagutin ito.

Ang paliwanag ni direk Ruel, ”naku hindi naman po sa pagdadamot pero parang hindi naman tamang makaagaw iyon sa pag-e-enjoy sa finale kung sasabihin. ‘Wildflower’ is a kind of show na sinusorpresa ka, ginugulat ka. Kaya kapag may nagtatanong kung ano ang mangyayari, biro ko sa kanila (staff at artista) ‘sasakay ng space ship kakalabanin ng alien.”

Nagkatawanan ang lahat sa sinabi ng TV executive.

Samantala, blooming si Maja sa presscon at halatang may inspirasyon bagay na hindi naman niya itinago dahil noon pa naman niya inaming may non-showbiz guy siyang idine-date.

If ever na walang boyfriend ang aktres ay may posibilidad bang makipagbalikan siya sa ex-boyfriend niya?

“Once na tapos na po ako roon sa relationship na ‘yun, tapos na po talaga, kunwari, kung sa ilang taon naming pagsasama, alam kong ibinigay ko na po ang lahat. Kung naramdaman kong hindi niya ‘yun naibalik at hindi ako nirespeto or hindi nasabayan ‘yung pagmamahal, parang tapos na po,” malamang sabi ng dalaga.

Hmm, hindi ba siya inirespeto o sinabayan ang pagmamahal na ibinigay niya?

Sa nalalapit na pagtatapos ng Wildflower ay inamin ni Maja na nakararamdam na siya ng lungkot dahil nga mami-miss niya ang mga katrabaho niya.

At nakatatawa dahil parang mas madali pa siyang mag-move on kapag naghiwalay sila ng boyfriend niya.

Sabi ni Maja, ”sabi ko nga, sa dyowa, madali akong mag-move-on, pero sa mga ganito, hindi. May tanong sa akin last Sunday ba ‘yun, kung paano ko raw ile-let go ‘yung pagiging Lily Cruz (her character), sabi ko, ‘hindi ko masasagot kasi hindi ko alam kung paano.’

“Dahil ‘yung ginawa sa akin ng RSB unit, ‘yung ibinigay ni direk Ruel, sobrang laki ng itinulong talaga sa career ko at hindi lang din sa career ko, kundi mas grabe pa ‘yung passion ko para magtrabaho, mas naging dedicated pa ako sa kung ano ‘yung ibinibigay sa aking project.”

Umabot ng isang taon ang Wildflower at inamin din ng aktres na marami siyang naging offers.

“Sa ‘Wildflower,’ ang daming offers, ang daming mas magagandang nangyari. Siguro, sabi ko nga, hindi man kami laging nagsasama ni direk Ruel, pero feeling ko may magic kaming dalawa,” pagtatapat ng aktres.

Naikuwento ni Maja na ang unang project niya kay direk Ruel ay ang seryeng Minsan Lang Kita Iibigin (2010-2011) mula sa Dreamscape Entertainment na nakilala siya bilang si Krista na isang babaeng rebelde.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *