Wednesday , May 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / No bail kay Taguba et al sa P6.4-B shipment ng shabu
No bail kay Taguba et al sa P6.4-B shipment ng shabu

No bail kay Taguba et al sa P6.4-B shipment ng shabu

NASA kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bigtime ‘fixer’ cum ‘broker’ sa Bureau of Customs (BOC) na si Mark Ruben Gonzales Taguba II matapos ipag-utos ng hukuman ang pag-ares­to sa kanya at iba pang mga kasabwat sa smuggling ng P6.4 bil­yong shabu na nasabat sa Valenzuela City noong Mayo 2017.

Sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ay ipinadarakip din ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa ang mga pinaniniwalaang financier ni Taguba na noong Disyembre 2017 ay inabsuwelto ni RTC  Branch 171Judge Maria Nena Santos ng Valenzuela City.

Ipinag-utos din ng hukuman na arestohin sina Li Guang Feng alias Manny Li, Dong Yi Shen Xi alias Kenneth Dong, Eirene Mae Tatad, Teejan Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jhyun, and Chen Rong Juan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 for importation of dangerous drugs na no bail o walang piyansa.

Hindi kasama ang pangalan ni Chen Ju Long (aka Richard Tan at Richard Chen) sa warrant of arrest dahil sa nakabinbing mosyon na humihiling na maibasura ang kaso laban sa kanya.

Pero hindi pa tayo nakasisiguro na mapana­nagot ang mga akusado sa kanilang krimen kapag ang inihaing mosyon ng hindot na si Chen Ju Long ay pinaboran ng hukuman.

Subaybayan!

ACEVEDO SIBAK
SA MICP ITINAPON
SA APARRI

NASIBAK na rin ang babaeng opisyal ng Customs na ang pangalan ay pasok sa listahan ng mga tumatanggap ng ‘tara’ o suhol sa mga dakilang smuggler na nagpapalusot ng kontrabando sa Aduana.

Ang maimpluwensiya at kontrobersiyal na Customs official ay si Maita Acevedo (aka “Maytara”), dating acting chief ng Formal Entry Division (FED) sa Manila International Container Port (MICP) nang maipuslit sa bansa ang P6.4 bilyong shipment ng shabu na nasabat sa Valenzuela City noong Mayo 2017.

Dahil bigtime ang mga kinakapitang padrino, si Acevedo lang ang bukod-tanging hindi nasagasaan sa engrandeng rigodon na ipinagmala­king naipatupad ni Commissioner Isidro S. Lapeña sa Customs noong nakaraang taon.

Sibak na sa puwesto si Acevedo, ang nakatalagang hepe ng Formal Entry Division (FED) sa Manila International Container Port (MICP) nang makalusot sa kanyang nasasakupang teritoryo ang P6.4 bilyong shipment ng shabu.

Si Acevedo, may hawak na ranggong Customs Operations Officer V, ay itinapon sa Port of Appari, Cagayan sa bisa ng inilabas na Customs Personnel Order (CPO) No. B–46–2018 (may petsang Jan. 25, 2018).

Itinalaga na acting chief si Customs operations officer V Evelyn R. Rivera bilang kapalit ni Acevedo sa FED-MICP.

Ang kopya ng nasabing CPO na ating hawak at kapwa pirmado nina Lapeña at Sec. Carlos G. Dominguez III ng Department of Finance (DOF) ay ganito ang nasasaad:

“In the exigency of the service and in compliance with relevant civil service rules and regulations on reassignments and designations, the following employees are hereby reassigned/designated to the office indicated herein.

This order shall take effect immediately and shall last until revoked.”

Hindi tayo komporme na sapat nang parusa kay Acevedo ang paglilipat sa kanya sa malayo dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanyang partisipasyon sa malaking krimen.

Imbes ilipat mas dapat sanang suspendehin si Acevedo sa tungkulin habang iniimbestigahan sa kaso ng P6.4 bilyong shabu shipment.

Ilang taon ang nakararaan ay naisulat natin sa pitak na ito ang ilan sa mga iniuugnay na ari-arian kay Acevedo na imposible niyang makamal o hindi proportionate sa kanyang suweldo, pagsamahin man lahat ang haba at tagal ng kanyang serbisyo sa Customs.

Kahit kailan ay hindi talaga masasawata ang pagnanakaw sa pamahalaan kung ‘di rin naman pala mababawi ang anomang ninakaw o nakamal sa masamang paraan.

Wala kayang balak sina Dominguez at Lapeña na ipasalang si Acevedo sa lifestyle check?

Abangan!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved