Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nakalabas si Mark Anthony sa kulungan sa sariling sikap!
Nakalabas si Mark Anthony sa kulungan sa sariling sikap!

Nakalabas si Mark Anthony sa kulungan sa sariling sikap!

HINDI raw nagpatulong si Mark Anthony Fernandez kay Robin Padilla para makalabas ng bilangguan!

Hindi raw niya ginamit ang kanilang affinity as his nephew para humingi ng anumang pabor.

This, considering the fact that Robin is extra-close to President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Binoe sa isang panayam, hanga raw siya sa kanyang pamangkin dahil hindi ito humingi ng tulong para siya makalaya.

Looking back, minsan lang daw siya nakabisita kay Mark noong kasagsagan ng kanyang pagkaaresto sa Pampanga.

“No’ng pinuntahan ko siya roon, nag-usap kami,” he said. “Hindi ako nakapasok kasi ang daming press. Nag-usap lang kami.”

Looking back, it was October 3, 2016 when Mark was arrested for carrying one kilo of marijuana in his sports car while in Angeles, Pampanga.

He was incarcerated for more than a year and was released from prison before Christmas of the past 2017.

Siyempre pa, masaya si Robin na nakalaya na sa kulungan ang kanyang 39-year-old na ne­phew.

Cousin ni Robin ang yumaong ama ni Mark na si Rudy Fernandez.

December 2017, nang maiulat ang paglaya ni Mark mula sa Angeles City Jail sa San Fernando, Pampanga, pati na rin ang pagbasura sa kasong transportation of illegal drugs na isinampa laban sa aktor.

It has been said that the only case left was “misdemeanor.”

Mensahe ni Binoe, “Pamangkin, unang-unang masaya riyan, tatay mo. Pangalawa, kami.

“Naniniwala naman ako na lahat tayo nakaranas ng piitan.”

Matatandaang nabilanggo si Robin nang da­lawang taon sa New Bilibid Prison (NBP) sa kasong illegal possession of firearms.

On the other hand, his brother Rommel Padilla, was incarcerated for 8 months at the NBP for illegal possession of firearms.

Robin further said, “Tito Rommel mo nga na-maximum. Ako, sa medium security lang.

“E, dapat ‘yung mga natutuhan natin diyan sa bilibid, huwag natin makalimutan.”

Kasama nga pala si Robin sa trending na morning soap sa nga­yon na Sana Da­lawa Ang Puso. This is being starred in by Jodi Sta. Maria and Richard Yap.

Napapanood ito araw-araw bago mag-It’s Showtime.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
Pete Ampoloquio, Jr.

COMMENTS

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved