Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mother Lily, dinalaw ni Direk Maryo
Mother Lily, dinalaw ni Direk Maryo

Mother Lily, dinalaw ni Direk Maryo

“DINALAW ako ni direk Maryo last night,” pagkukuwento ni Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. Hindi na siya nagdetalye kung ano nga ba ang kanyang napanaginipan, pero nagkuwento siya nang ipa-renovate pala niya ang 38 Valencia Events Place, si direk Maryo ang nagbigay ng idea sa lahat ng ayos ng lugar na iyon.

READ MORE:  Imee, nasa showbiz pa rin ang puso

Kilala rin kasi si direk Maryo sa magagandang sets sa kanyang pelikula. Iba rin ang taste niya sa ayos ng bahay at mga lugar, kaya tiwala naman sa kanya si Mother sa changes na ginawa niya, “at marami ang nagsasabi maganda talaga,” sabi ni Mother.

READ MORE:  Joey, priority ang 14 na anak

Isa rin si Mother Lily sa mga producer na agad kumuha kay direk Maryo kahit na noong baguhan pa siyang director. “Isa siya roon sa progressive directors noon, galing siya sa PETA. Eh ako nagbibigay ako ng chance sa bagong director, kagaya ngayon iyang ‘My Fair Tail Love Story,’ si direk Perci naman ang binigyan ko ng chance. Naniniwala kasi ako lagi nating kailangan ng fresh ideas sa movies,” sabi niya.

READ MORE:  Panginginig ni Pepe, huling-huli ni Ritz

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved