Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis Manzano, muling napikon
Luis Manzano, muling napikon

Luis Manzano, muling napikon

MULI na namang pumatol si Luis Manzano sa kanyang basher. Hindi niya pinalagpas ang pang-aasar ng basher niyang si @mariabasha_10.

Nag-post kasi si Luis ng series ng photos nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola na kuha sa isang bakasyon. May caption na, “I can no longer imagine vacations without you. You make everything so much more beautiful.”

Na nang mabasa ni @mariabasha_10 ay nag-comment siya na kung talagang mahal ni Luis si Jessy ay pakasalan niya na ito tutal ay nasa tamang edad na naman siya. Na sinundan niya ng comment na, “Pagsawaan nya ang naging girlfriend nya taz palitan uli.”

Rito na napikon ang binata ni Congw. Vilma Santos kaya sinagot niya ito ng “te, bakit ako mag aajdust sa yo? Wag aanga anga… Te, 2018 na, gamitin ang utak, wag puro nega, baka slightly used palang utak mo ha, sayang.”

O ‘di ba, talagang hindi pinalalagpas ni Luis ang kanyang basher?

READ MORE:  Pelikula ni Lamasan, tinatao, nakapagbibigay din ng maraming awards sa mga artista
READ MORE:  Ria at Arjo, magbabakbakan sa MMFF 2018

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved