Categories: Showbiz

Jodi Sta. Maria inamin na si Jolo Revilla

NAG-GUEST ang 35-year-old actress na si Jodi Sta. Maria, together with her leading men sa soap na Sana Dalawa ang Puso Ko na sina Robin Padilla at Richard Yap, sa Tonight With Boy Abunda, last Monday evening.

Sa cute na segment na “2 Be Honest,” pinapili sila sa envelopes na may mga katanungang da­pat nilang sagutin in a highly sincere manner. The question that Jodi was able to pick was: “Kung dalawa ang puso mo, sinong dalawang lalaki ang bibigyan mo nito at bakit?”

Sinabi ni Kuya Boy Abunda na hindi niya puwedeng isagot ang kanyang anak na si Thirdy.

Obvious na nahirapan si Jodi sa katanungan.

Kung hindi raw kasama si Thirdy, pipiliin niya ‘yung kuya niya dahil kakaunti lang naman daw ang lalaki sa buhay niya.

She went on, “First time na sasabihin ko… naibigay ko na sa kanya ang puso ko, kay Jolo.”

Marami ang kinilig sa kanyang pagpapakatotoo.

“Wala talaga akong maisip,” she asseverated. “I just had to say it.”

Samantala lubos naman ang kaligayahan ni Jolo sa pag-amin ni Jodi.

Nai-share ni Jolo ang video ng interview kay Jodi.

“Wagas ang kilig ko Love! Parang kakasagot mo pa lang sa akin!?? i Love you now and for­ever!?”

More than a year na ang usap-usapang nagkabalikan na sila but no one appears to have it confirmed.

But they have no qualms in being together.

Looking back, it was in June 2016 when Jodi admitted that she and Jolo went on separate ways.

But after quite sometime, they were seen once again on several occasions.

After that, inasmucn as Jolo would post some pictures of him and Jodi together, he did not admit in a straightforward manner that we’re back in each other’s arms.

His safe answer would be friends lang daw sila.

On her part, Jodi would echo Jolo’s sentiment.

Sa katunayan, nabanggit pa niya sa isang panayam, “Kung anuman ang mayroon ako, ine-enjoy ko lang din muna.

“Ayaw kong magpa-pressure sa kahit na ano.”

Incidentally, trending ang kanilang soap na Sana Dalawa Ang Puso when it premiered last Monday. May dating pa rin talaga ang tandem nina Jodi at Richard Yap, idagdag mo pa si Robin, patok talaga ang arrive.

‘Yun nah!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
Pete Ampoloquio, Jr.

COMMENTS
Pete Ampoloquio Jr.

Share
Published by
Pete Ampoloquio Jr.

Recent Posts

Regine at the Movies concert tickets, mabentang-mabenta

TIYAK na magugulo ang New Frontier Theater dahil isang malaking event ang magaganap sa Sabado, ang Regine at the Movies…

1 hour ago

Paolo Contis, pantapat kay John Lloyd

POSITIBO ang lahat ng reaksiyon ng mga nanood ng Through Night and Day premiere night noong Lunes na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra…

6 hours ago

Estudyante ni Ogie Diaz, nag-ala Sarah Geronimo

PASLIT pa lang si Jermae Yape ay hilig na niya ang kumanta at sumayaw. Kaya naman hindi niya ine-expect na aabot…

6 hours ago

Kris, napuno na, business partner, itutuluyan na! (5 beses pinagbigyan, amicable at fair settlement)

ILANG linggo na ang nakalipas mula nang pormal na sampahan ng kaso ni Kris Aquino sa pitong munisipyo sa Metro Manila ang…

6 hours ago

PH nakahanda bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations

SINGAPORE -Nakahanda ang Filipinas na gampanan ang papel bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations hanggang 2021. Sa kanyang ‘intervention’…

6 hours ago

Suporta sa ASEAN tiniyak ni Duterte (Sa ayuda sa Rakhine state)

SINGAPORE -  Ginarantiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong suporta sa mga ginagawang hakbangin ng ASEAN sa pagbibigay ng humanitarian…

7 hours ago