Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Nagbatohan ng ‘fake news’ sa senado
Nagbatohan ng ‘fake news’ sa senado

Nagbatohan ng ‘fake news’ sa senado

SA ginanap na hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senator Grace Poe hinggil sa ‘fake news’ nagbatohan ng ‘fake’ arguments ang i­lang resource person.

As usual, ang batohan ay muling umabot at lumabas sa social media.

Kanya-kanyang sisihan at turuan kung sino ang nag-umpisa at kung sino talaga ang naglalabas ng mga ‘fake news.’

Isinalang ang mga ‘Blogger’ na nasa ilalim ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO).

READ MORE:  Mocha, kapit-tuko sa puwesto

Ang nakalulungkot sa hearing na ito, parang lahat walang ginawa kundi sisihin ang bawat isa.

As usual, parang contest na kailangang may dapat manalo hindi isang hearing na inaalam kung ano ang pros and cons ng paggamit ng teknolohiya at social media ng mga taong dapat ay naglilingkod sa gobyerno para sa kapakanan ng sambayanan.

At ang isa pang tanong, bakit ba ang mga blogger ng PCOO imbes i-promote ang mga program at accomplishment ng Duterte administration ay walang ginawa kundi makipag-away sa social media?!

READ MORE:  Si Iskong ‘Patay na Lukan’

Tapos na po ang eleksiyon, nanalo na ang si­nuportahan nilang si Pangulong Digong at katunayan ay nakapuwesto na sila, bakit kailangan pang magpakalulong sila sa black propaganda?

Aba kahit ang inyong lingkod ay laging biktima ng mga black propaganda na ‘yan sa social media.

Pero imbes makipagbatohan sa kanila, mas minabuti nating maging positibo.

READ MORE:  Mocha tatakbo para sa anong puwesto?

Pakiusap lang po natin sa PCOO bloggers, tulungan ninyo si Pangulong Digong na i-promote ang kanyang magagandang programa.

Huwag po ninyo siyang igawa at ihanap ng away at please lang tantanan ninyo ang paki­kipag-away na para kayong mga palengkera at palengkero.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved