Friday , May 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janella, pinalangoy sa 14 ft. deep para sa My Fairy Tail Love Story
Janella, pinalangoy sa 14 ft. deep para sa My Fairy Tail Love Story

Janella, pinalangoy sa 14 ft. deep para sa My Fairy Tail Love Story

ANG My Fairy Tail Love Story nina  Janella Salvador at Elmo Magalona ang entry ng Regal Entertainment na hindi napili sa 2017 Metro Manila Film Festival na para sa amin ay okay din dahil mas bagay ito para sa Valentine’s Day, February 14, dahil tiyak na maraming lovers ang manonood ng sine lalo na kung puno ang lahat ng restaurants.

Base sa kuwento sa amin ng nakapanood na ng pelikula ng ElNella, cute  ang pelikula na bagay sa millennials dahil ito ang estilo ng pagkakagawa ni Direk Perci M. Intalan.

“Swak kasi ‘yung mga kanta ni Janella sa movie, tapos ang ganda niya at nakatutuwa ‘yung kuwento kasi ibang-iba sa mga dating ‘Dyesebel’ stories. Tapos ang gaganda at linaw ng shots sa ilalim ng tubig, ang ganda ng effects, basta maganda at I’m sure matutuwa ang lahat ng makakapanood kasi feel good siya, eh,” say sa amin ng mga nakapanood ng taga-production.

Natanong si Janella kung paano niya pinaghandaan ang paglangoy, “nag-diving lessons po ako, mermaid lessons, actually, mas natakot pa ako sa lessons kaysa actual shoot kasi nag-practice kami sa isang diving pool na 14 feet deep, tapos pinapunta nila ako sa ilalim, eh, may pagka- claustrophobic ako, so kinabahan po ako noong pinapunta ako sa pinakamalalim.

“This is not just an ordinary mermaid movie. It will remind everyone how much thoughts and wishes could be so powerful. This will open our eyes not only to the beauty of the marine life but to the real beauty of our own lives and the people who love us unconditionally.”

Natanong din ang aktres tungkol sa post ng mommy Jenine Desiderio niya na may nag-gatecrash sa family reunion nila nitong Disyembre na ayaw ng pahabain pa ng dalaga, basta ang sabi lang niya ay ipinagpaalam niya si Elmo Magalona sa mga kaanak nila.

Maging si Elmo ay sinabing walang katotohanan na nag-gatecrash siya.

“Wala po. Hindi po ako naggaganoon (gatecrash),” saad ng binata.

Aware ang binata na hindi siya gusto ng mommy ni Janella, “I think naman like I always say, siyempre, I just want peace, peace lang. Ako, like naman what Janella said, it’s something that is really in the family. So, I just try to keep on telling her na I support her whatever happens. Like, if it’s part of the family, I don’t want to really be involved.”

Handa ring maghintay si Elmo kung kailan handa na si Janella sa isang relasyon at inamin niyang mahal niya ang dalaga.

“Ako, I just really keep on telling naman Janella na it will have to depend on her na kung puwede na sa ganyan. Kasi, like what I said, I’m not really in a rush. At saka I’m just really happy na nakakatrabaho ko muli siya,” say ni Elmo.

Kung hindi welcome si Elmo kina Janella ay kabaligtaran naman sa dalaga dahil gusto siya ng pamilya ng aktor.

“Yeah, I’m happy na there are moments in our lives na ganoon, nakakapunta si Janella sa events ng family ko,” saad ng aktor.

Anyway, ang My Fairy Tail Love Story ay mula sa direksiyon ni Perci Intalan at kasama rin sa pelikula sina Kiray Celis, Dino Pastrano, Dominic Ochoa, Kakai Bautista, Rubi Rubi, Kaladkaren Davila, at Dimples Romana.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved