Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sana Dalawa Ang Puso, pumalo agad sa rating; Katapat na show, inilampaso
Sana Dalawa Ang Puso, pumalo agad sa rating; Katapat na show, inilampaso

Sana Dalawa Ang Puso, pumalo agad sa rating; Katapat na show, inilampaso

WINNER ang pilot episode ng Sana Dalawa Ang Puso nitong Lunes dahil trending kaagad bukod pa sa inilampaso nito sa ratings game ang katapat na programa sa GMA 7, 19.9% vs 6.1%.

Ang mga kababayan nating nasa ibang bansa ay naka-live streaming kasama na ang mga pinsan namin na Salonga family.

READ MORE:  Vic, pagtutulungan nina Vice Ganda at Vhong sa MMFF

Sabi sa amin ni Rowena Salonga na simula noong natapos ang Be Careful with My Heart ay naging malulungkutin na ang Lola Lilia Salonga, 88, dahil hindi na niya napanonood ang Jo-Chard loveteam na tanging libangan niya kapag naiiwan sa bahay dahil pumapasok sa trabaho ang mga anak.

READ MORE:  Jinggoy at Bong, ‘di pinayagang maka-join sa last session ng Senado

Kaya naman ang saya-saya ng lola namin sa pagbabalik ng Jo-Chard kasama pa si Robin Padilla sa Sana Dalawa Ang Puso na talagang inabangan nila noong Lunes, “Grabe ‘cuz hahaha ‘di mahintay ni mama ‘yung S2P IPTV pinilit niyang panoorin sa TFC TV ang saya-saya niya, tuwang-tuwang mapanood ulit si Jodi at Richard. Lahat kami nakatutok sa live streaming,” kuwento ng pinsan naming si Rowena.

READ MORE:  Smokey Manaloto, saludo kay Sylvia Sanchez bilang kaibigan at aktres

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved