Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis, kinana ang mga basher
Luis, kinana ang mga basher

Luis, kinana ang mga basher

I can no longer imagine vacations without you. You make everything so much more beautiful 🙂 hi how 🙂 right beside you now habang nagtetext ka þ thanks boss @rexatienza for the pic :),” caption ni Luis Manzano sa sweet nilang photo ni Jessy Mendiola sa may dagat.

Pero kumana na naman ang mga basher na pinatulan naman ni Luis. Binasag niya talaga ang trip ng mga negatron.

READ MORE:  Pagkaka-evict kay Daniel, napaka-unfair

Kung ano-ano kasi ang sinasabi kay Luis at kailangang pakasalan muna si Jessy kung totoo ‘yan. May comment pa ang basher na pagsasawaan lang umano ni Luis ang girlfriend tapos papalitan ulit.

“Te, bakit ako mag-a-adjust sa ‘yo. ‘Wag aanga-anga…Te 2018 na, gamitin ang utak, ‘wag puro nega, baka slightly used palang utak mo ha, sayang”

May sinabon din si Luis na basher ng, ”You must be so unhappy with your life to spread negativity no? I went through your pics and i can see sadness sa mata mo kaya nagkakaganyan ka.”

Sinundan pa niya ito ng ”posting and spreading negativity won’t fix the failure of your life… i see it in your eyes.”

May isang basher din na sinagot niya ng ”nahiya ako sa paggamit mo kay God sa profile mo ha, i’m sure proud na proud 🙂 tip, wag ginagamit ang Diyos para bumango pangalan ;)”

Paliwanag ni Luis, ”Wala sa akin ang artist o “hamak na fan” hindi uso sa akin ‘yun. Pantay pantay tingin ko sa lahat. Kung bastos ale di bastusan, kung may respect e di meron rin :)”

Grabe rin kasi ang mga basher kaya dapat ding makatikim ng pambabara at paminsan-minsan ay patulan din.

READ MORE:  Marian, kating-kating patulan ang isang writer
READ MORE:  Ria, natomboy kay Jericho; Arjo, hilong talilong sa pelikula at teleserye

TALBOG!
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved