Categories: News

‘Mole’ ni Trillanes sa Ombudsman suspendido

SUSPENDIDO ng 90-araw at kinasuhan ng Palasyo  si Overall Deputy Ombudsman Mel­chor Arthur Carandang, ang sinasabing ‘mole’ ni Sen. Antonio Trillanes  IV sa akusasyong may ill-gotten wealth ang pamilya Duterte.

Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pormal nang sinampahan ng Office of the Executive Secretary si Carandang ng mga kasong grave misconduct at grave dishonesty dahil sa ‘di-awtorisadong pag­­lalabas ng umano’y bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya.

Ang mga dokumento galing kay Carandang na aniya’y mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), ang ginamit ni Trillanes sa pag­hahain ng reklamo kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth ng Pangulo.

“We have categorically stated before that the AMLC is not the source of the documents and information attached by Senator Antonio F. Trillanes IV in his complaint regarding the alleged bank accounts of President Rodrigo Duterte. It has neither provided of the Office of the Ombudsman with any report as a consequence of any investigation of subject accounts for any purpose,” ani Roque.

Ang hakbang ng OES ay makaraan imbestigahan ang reklamong inihain nina attorneys Manolito Luna at Elijo Mallari sa Office of the President laban kay Carandang.

Nanindigan si Roque na nasa kapangyarihan ng Pangulo ang pagkastigo kay Carandang.

Ipinauubaya ni Roque sa Pangulo ang pagpapasya kung sasampahan ng kaso si Trillanes sa paggamit ng maling dokumento laban sa pamilya Duterte.

“That’s up to the President. But you see the President, you know, does not pay too much attention to kuwentong kutsero and tsismis,” ani Roque.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Duterte na ilegal ang pangangalap ng ebidensiya ni Carandang laban sa kanya at idinaan lang sa ‘pindot.’

Ang paglalabas aniya ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang ng umano’y bank account niya na galing sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC), ay ilegal, pinindot lang at lahat ng lumabas na numero ay ‘pinlus’ upang umabot sa bilyon-bilyong piso.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS
Rose Novenario

Share
Published by
Rose Novenario

Recent Posts

COP sa Bulacan tiklo sa kotong

INIHAHANDA ng mga awtoridad ang isasam­pang kaso laban sa isang hepe ng pulisya sa Bulacan na inaresto dahil sa pangongotong sa…

1 hour ago

Bagyong Paeng pumasok na sa PAR

PUMASOK na ang typhoon Trami sa Philip­pine Area of Responsi­bility (PAR) at ngayon ay tinatawag na ito sa local designation…

2 hours ago

Med rep pinatay sa saksak (Nobyo kausap sa mobile phone)

CAINTA, Rizal – PATAY ang isang lady medical represen­tantive sa kaniyang bahay sa bayang ito sa sampung beses na saksak…

2 hours ago

3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)

TATLO sa limang Filipino ang naniniwalang paglabag sa karapatang pantao ang pagdakip ng mga pulis sa tambay, ayon sa survey…

2 hours ago

Communist insurgency seryosong tapusin ni Duterte

PABOR ang Palasyo sa panukalang  magtatag ng isang task force na may layuning tuldukan ang halos kalahating siglong communist insurgency…

2 hours ago

Serbisyong Lim na “from womb to tomb” paiigtingin

HIGIT na aktibong kam­pan­ya laban sa ile­gal na droga at pag­babalik sa mas malawak na libreng ‘from womb to tomb’…

2 hours ago