Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ginang itinumba sa harap ng anak
Ginang itinumba sa harap ng anak

Ginang itinumba sa harap ng anak

PATAY ang isang 47-anyos ginang makaraan paputukan ng dalawang beses ng hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa harap ng kanyang anak sa tapat ng isang depot store sa Brgy. Almanza Uno sa Las Piñas City, kamakalawa.

READ MORE:  Lookout order vs Lee, Cornejo et al, inilabas

Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gregoria Sugita, residente sa Buensamino St., Brgy. BF Homes ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police, nangyari ang insidente sa Alabang-Zapote Road dakong 4:00 ng hapon.

READ MORE:  77 APC donasyon ng US dumating na sa Subic

Patawid sa kalsada ang ginang kasama ang kanyang 18-anyos anak na si Kenjie, nang barilin nang dalawang beses ng suspek na sakay ng motorsiklo.

READ MORE:  Resto owner sa Davao arestado (Senior citizen hindi binigyan ng discount)

Ayon kay Kenjie, hindi niya nakilala ang suspek dahil nakasuot ng helmet.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved