Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shy, walang kinalaman sa paglipat ni Xian
Shy, walang kinalaman sa paglipat ni Xian

Shy, walang kinalaman sa paglipat ni Xian

SI Shy Carlos ang sinasabing nagkumbinsi kay Xian Lim para lumipat sa Viva Artist Agency na nakakontrata rin doon. Noong nagkasama raw kasi sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ang dalawa ay naging close sila na naging dahilan para kumbinsihin ng una ang huli na lumipat na lang sa VAA.

Pero sa interview kay Shy ng Pep.ph,  nilinaw niya na wala siyang kinalalaman sa naging desisyon ni Xian na lumipat sa VAA.

READ MORE:  Sin Island nina Xian, Coleen at Nathalie pelikulang mapangahas sa Valentine’s Day

“During the ‘MMK’ days, na-mention ko lang sa kanya, ‘Uy, bakit ‘di ka mag-Vi….” natatawang sabi ni Shy.

So, tinanong niya si Xian kung gusto nitong magpa-manage sa Viva?

“Hindi ko na maalala!” sagot ni Shy.

Nagkukuwentuhan sila ng mga nangyayari sa kanilang career?

READ MORE:  Arjo at Ria Atayde, kinilala ang husay sa 30th Star Awards for TV

“I mean, ganoon naman talaga ‘pag artista, ‘di ba? Napag-uusapan namin ‘yung mga situation ng mga bagay-bagay, about our management, kumusta ‘yung career… Kaya ko rin na-mention na, ‘O, bakit? Ganoon-ganoon!’”

Nagulat ba siya sa desisyon ni Xian o may idea na siya tungkol dito?

“Hindi niya ako sinabihan, pero narinig ko lang rin na, ‘O, magbi-Viva na pala si ano, ganyan!’ ‘Oh, nice…’”

Ngayong nasa iisang management na sina Shy at Xian, wish ng dalaga na makatrabaho ang ka-loveteam ni Kim Chiu.

READ MORE:  Xian, nanginginig kay Nathalie

’Yun nga, na sana ay makatrabaho ko siya. Na mas maraming projects na makasama ko siya at maraming projects for him.” 

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved