Categories: News

Mag-utol timbog sa P7.2-M shabu mula Malaysia

Share

INARESTO ng mga ope-ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang magkapatid na lalaki dahil sa pagtutulak ng shabu mula sa Malaysia.

Kinilala ang mga suspek na sina Absurasid at Abdul Aziz Jaman Asaali, inaresto sa buy-bust ope-ration sa Fairview, Quezon City, nitong Sabado.

ARESTADO ang magkapatid na sina Absurasid at Abdul Aziz Jaman Asaali makaraan makompiskahan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng P7.2 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Fairview, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Nakompiska mula sa mga suspek ang hindi kukulangin sa isang kilong shabu, tinatayang P7.2 milyon ang halaga.

Sinabi ng ahente ng PDEA, ang nakompiskang shabu mula sa mga suspek ay galing sa Malaysia, at ipinuslit sa bansa sa pamamagitan ng Zambasulta area (Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi) sa Mindanao.

Sinabi ng PDEA, mu-la sa Zambasulta, umupa ang magkapatid ng pribadong sasakyan at bumiyahe sa iba’t ibang daungan hanggang ma-karating sa Metro Manila. Ayon sa ahensiya, naki-kipag-coordinate sila sa port authorities maka-ra­an madiskobre ang ba-gong paraan ng pagpuslit ng droga patungo sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

2019 DPWH budget punong-puno ng grasya?

SABI nga, nang magbuhos daw ng grasya ang mga diyos-diyosan sa kongreso ng pagkakakuwartahan, napuno ng biyaya ang pinamumunuang ahensiya… Read More

17 hours ago

2019 DPWH budget punong-puno ng grasya?

SABI nga, nang magbuhos daw ng grasya ang mga diyos-diyosan sa kongreso ng pagkakakuwartahan, napuno ng biyaya ang pinamumunuang ahensiya… Read More

17 hours ago

Ginang nagpatotoo sa maraming benepisyo ng paggamit ng Krystall products

Dear Sis Fely Guy Ong, Ito po ang patotoo ko sa paggamit ko ng Krystall Herbal Products: Ang pagbaba ng… Read More

17 hours ago

Digong kabado sa alyansa ng simbahan at sambayanan

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapi­gi­lan ang Simbahang Kato­lika na makipag-ugna­yan sa samba­yanang Filipino para tuldukan ang kanyang malupit… Read More

1 day ago

56-anyos retirement sa gobyerno aprub sa Kamara

ISA tayo sa mga natuwa nang aprobahan ng Kamara (206 affirmative votes) sa third and final reading ang panukalang pababain… Read More

2 days ago

56-anyos retirement sa gobyerno aprub sa Kamara

ISA tayo sa mga natuwa nang aprobahan ng Kamara (206 affirmative votes) sa third and final reading ang panukalang pababain… Read More

2 days ago