Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kasalang Jodi at Richard, unang matutunghayan sa Sana Dalawa ang Puso 
Kasalang Jodi at Richard, unang matutunghayan sa Sana Dalawa ang Puso 

Kasalang Jodi at Richard, unang matutunghayan sa Sana Dalawa ang Puso 

BUKOD kaya sa awiting Sana Dalawa ang Puso ni Jona na soundtract sa bagong serye nina Robin Padilla, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria na mapapanood ngayong umaga kapalit ng Ikaw Lang Ang Iibigin ay isasama rin kaya ang awiting Titibo-Tibo ni Moira de la Torre?

Titibo-tibo kasi ang karakter ni Jodi bilang si Mona na lumaki sa sabungan pero nang makita niya si Richard bilang si Martin ay nagka—crush na kaagad at naging babae  dahil naging conscious na sa Hitsura  pagdating ng bahay na panay ang harap sa salamin.

Ang kakambal naman ni Mona na si Lisa (Jodi) ay anak mayaman at anak ng may-ari ng malaking kompanya na ipakakasal naman kay Martin (Richard) base sa usapan ng kanilang magulang kaya pala ang unang episode na makikita ay ang kasal nilang dalawa.

Muling nagbunyi ang supporters nina Richard at Jodi sa kasalang ipinakikita sa teaser ng Sana Dalawa Ang Pusona ikinakikilig nila nang husto.

Anyway, matuloy kaya ang kasal nina Martin (Richard) at Lisa (Jodi)?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved