Thursday , April 25 2024

Carlo, nakakita ng snow at nakapunta ng Europe dahil sa Spring Films

MALAKI ang utang na loob ni Carlo Aquino sa Spring Films dahil pinagkatiwalaan siyang kunin bilang leading man sa pelikulang Meet Me In St. Gallen ni Bela Padilla.

“Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila kasi first time kong maging leading man sa isang pelikula. First time kong mag-shoot sa ibang bansa. First time kong makakita ng snow, first time kong makapunta ng Europe, first time kong makapamasyal. 

“Kasi pagkatapos ng shooting ng ‘St. Gallen’, nag-extend ako, nag-travel ako, nagpunta ako ng Italy, nag-Christmas ako sa Venice mag-isa,” nakangiting sabi ng aktor.

Mag-isang naglibot si Carlo sa Italy, hindi ba siya nalugkot o may naalala man lang na sana mas maganda kung may kasama siya?

“Hindi naman ako nalungkot kasi may mga nakilala ako (Italy), kasi feeling ko naman ang inspirasyon hindi lang nanggagaling sa isang tao, makakakuha ka ng ibang inspirasyon sa ibang tao. Rito na ako nag-New Year, dumating ako ng December 30,” say pa nito.

Bukod pala sa pelikulang Meet In St. Gallen ay nabanggit ni direk Joyce Bernal na isasama rin niya si Carlo sa pelikulang gagawin ng Spring Films sa Marawi na ang working title ay Black is Night.

Bukod kay Carlo, kasama rin sa plano nina direk Joyce si JM de Guzman.

“Talaga?  Hindi ko pa narinig ‘yan, ngayon lang,” nakangiting tanong sa amin ng aktor.

Gagampanan ni Carlo sa Meet Me in St. Gallen ang karakter na Jesse/Brad Pitt kasama si Bela bilang si Katie Perry na ipalalabas na sa Pebrero 7 mula sa direksiyon ni Irene Villamor produced ng Spring Films at Viva Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nagsisi nang magpagupit ng buhok sa ibang bansa

MATABILni John Fontanilla MUKHANG pinagsisihan ni Maine Mendoza ang ginawang pagpapagupit ng buhok na maiksi sa ibang …

GMA The Boys of Summer

Boys of Summer palaban sa ganda ng katawan at sex appeal

KUNG mayroong Sparkle 10 ladies na super display ng kanilang magaganda at seksing mga katawan, matindi rin …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *