Categories: Showbiz

Suka ni Ryza Cenon,kinain na parang kanin

HINDI namin mawari kung ano ang magiging reaksiyon nang kainin ni Ryza Cenon ang suka niya dahil grabeng nalasing nang mag-inuman sila ni JC Santos.

Animo’y kanin na dinakot iyon ni Ryza para muling isubo. Nakaka-iww at nakahahanga na walang keber na ginawa iyon ng aktres.

Isa ito sa tagpong mapapanood sa kasalukuyang handog ng Viva Films at The IdeaFirst Company, ang Mr & Mrs Cruz na ukol sa dalawang indibidwal na nagkita at nagkasama sa isang bakasyon sa Palawan. Parehong bigo sa pag-ibig, ang isa ay nang-iwan at ang isa’y iniwan.

Ang Mr & Mrs Cruz ay idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo na tulad ng Kita Kita na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy, dalawa rin ang tauhan. Porte na talaga ni Direk Sigrid na dalawa lang ang tauhan sa kanyang pelikula.

Ang isa pa sa naloka kami at dapat ay hindi kayo pumikit kapag pinanood ito ay nang ipasuot ni JC ang kanyang brief kay Ryza. Nag- ala-MacGyver si JC, pero opp’s ayaw  niyang itawag iyon sa kanya kundi nalaman niya iyon sa pamamagitan ni Google. Iyon ang nang gawin niyang bra ang kanyang brief dahil ‘di sinasadyang nasira ang suot-suot na pang-itaas ni Ryza.

Lumabas namang cute at maganda ang brief-bra na aliw na aliw kami. Naitanong nga ng aming katabi kung isusuot namin ang brief ng isang hindi mo naman masyadong kilala kapag nangyari ang ganoon? Well, tingnan na lang natin, ha ha ha.

Aliw din ang eksenang parehong lango na sina Ryza at JC. Ang galing-galing ni Ryza na animo’y lasinggera talaga. Rito’y nag-open up silang dalawa sa kung ano ang nangyari sa kanila kaya lumipad sila sa Palawan ng walang kasama.

Nagtagumpay din si Direk Sigrid sa pagpapakita kung gaano kaganda ang Palawan. At tiyak marami ang magsasabing ‘punta tayo ng Palawan’ kapag napanood ang pelikula dahil talaga namang ipinakita ng director ang napakagagandang tanawin-lugar doon.

 

 

 

 

 

COMMENTS
Maricris Valdez Nicasio

Share
Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

2,500 Navoteño nagkatrabaho sa cash-for-work

UMABOT sa 2,500 Navo­teño ang kumita ng extra income sa pagkakaroon ng cash-for-work sa Pama­halaang Lungsod ng Navo­tas. Nakatanggap ng…

2 hours ago

Palawan ‘di magiging lunsaran ng US-China war

SINGAPORE – Hindi maka­papayag si Pangulong Ro­drigo Duterte na maging lun­saran ng armadong tung­galian ng US at China ang West…

2 hours ago

Kris, ikinatuwa ang magandang resulta ng medical test ni Josh

IKINATUWA ni Kris Aquino ang magandang resulta ng medical tests na colonoscopy at endoscopy ng kanyang panganay na anak na si Josh…

2 hours ago

SBIFF trophy ni Manoy, naibigay na

SA wakas, natanggap na ng veteran actor at director, Eddie Garcia ang tropeo mula sa Subic Bay International Film Festival…

2 hours ago

Direk, handang ibenta ang pitaka sa mga boyfriend

BUMIGAY na rin pala ang isang baguhang male star. Nakasabay namin si direk at isang production designer sa isang photo-finishing laboratory,…

2 hours ago

Kiko Rustia, simbolo ng advocacy ng Victory Liner

SOBRANG nagpapa­-salamat ang TV personality at Survivor Philippines alumnus, Kiko Rustia sa pagkapili sa kanya ng Victory Liner bilang ambassador ng isa sa biggest bus…

2 hours ago