Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo, hinalikan ni Sue nang masugatan sa eksena
Arjo, hinalikan ni Sue nang masugatan sa eksena

Arjo, hinalikan ni Sue nang masugatan sa eksena

TRENDING sa social media ang video na mahigpit na magkayakap sina Sue Ramirez at Arjo Atayde dahil may sugat malapit sa labi ang aktor.

Ang intindi namin ay nasugatan ang aktor siguro sa eksena nila ni Sue kaya niyakap siya ng aktres sabay kiss sa may sugat at hayun, tinutukso na ang dalawa ng mga kasama nila sa Hanggang Saan serye na sina Teresa Loyzaga at Ces Quesada.

READ MORE:  Direk Jun, ayaw sa mga unprofessional at late

Narinig naming sabi ni Teresa na gumaganap na ina ni Sue sa HS, ”uy, uy, kilig-kiligan.”

At si Ces naman bilang yaya ni Sue sa serye na nag-puso sign sabay lapit sa dalawa at tawa lang ng tawa sina Anna (Sue) at Paco (Arjo).

Nakatutuwa ang mga komentong nabasa namin na talagang tinutukso nga ang dalawa at bagay  sila kaya kami naman ay nagkomento rin ng, ‘lagot!’

Kasi naman alam naman nating parehong ‘taken’ na sina Sue at Arjo pero sweet pa rin sila kapag off-cam sa set ng Hanggang Saan.

“Maraming pinagkukuwentuhan ‘yang dalawa na parang sila lang naman ang nagkaka-intindihan,” sabi ng taga-production.

READ MORE:  Ang Babaeng Allergic sa WiFi, passion project ni direk Jun

Bigla tuloy naming naalala ang sabi ni Sue noong tuksuhin namin siya kay Arjo, ”may gf naman na si Arjo, ‘di ba?” 

Nakakaloka, si Arjo talaga ang inalala ni Sue? Hindi ba dapat sarili niya kasi nga may Boyband PH boyfriend na siya?

READ MORE:  Kinita ng I Love You To Death, bongga

Hmm, baka naman kasi may developing story na sina Arjo at Sue sa totoong buhay at hindi lang bilang sina Anna at Paco sa kuwento ng Hanggang Saan?

Oh, well…let’s wait and see kung maganda ang development at quality na mabubuo kina Arjo at Sue, ano sa tingin mo Ateng Maricris?

 

 

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved