Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pilferage sa Clark ikinairita nang husto ni Pangulong Digong
Pilferage sa Clark ikinairita nang husto ni Pangulong Digong

Pilferage sa Clark ikinairita nang husto ni Pangulong Digong

HANGGANG nitong Biyernes ay hindi matanggal-tanggal ang init ng ulo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa nangyaring pilferage sa Clark International Airport na ang nabiktima ay kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs).

Sa kanyang pahayag nitong Huwebes sa muling paglulunsad ng Overseas Filipino Bank, nagpupuyos na sinabi ng Pangulo na sisibakin niya ang mga empleyado at opisyal sa mga Airport sa bansa kapag naulit ang nasabing pilferage.

Bagamat sinibak na ng Miascor ang anim na staff nilang sangkot sa nasabing pilferage ay mariing nagpahayag ng diskontento ang Pangulo sa serbisyo ng ground handler company kaya nais niyang tanggalin ito sa Airport.

READ MORE:  Towing-escort in Manila is a very lucrative business (now!)

At ang latest, ipinai-implement na ang termination sa kontrata ng Miascor sa airport.

Nauunawan natin ang Pangulo sa kanyang nararamdaman.

At ramdam din ito ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal kaya naman pagkaupo niya ay ito kaagad ang kanyang tinutukan.

READ MORE:  Hindi mailawan ang mga poste dahil no show si Erap!?

Pinadagdagan niya ang mga CCTV camera at mga security personnel sa baggage loading ground.

At lahat ng mga uniporme ng loaders ay pocket­less.

Thank you GM Ed Monreal sa iyong pagsisikap na linisin ang masasamang gawi at gawain (gaya noong araw) sa NAIA.

Sana ay maging mahigpit din ang airlines sa pagbabantay dahil kung minsan ay doon sa point of origin nagaganap ang pilferage.

READ MORE:  Mag-ingat sa mga raketeros - BOC NAIA

Pero dahil hindi nga naging metikuluso ang ilang airline officer kaya hindi napapansin na mayroong naganap na pilferage sa kanilang pinanggalingan.

Huwag na po ninyong painitin pa ang ulo ng Pangulo.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved