Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jodi Sta. Maria kinabahan sa dalawang karakter sa “Sana Dalawa Ang Puso” katambal sina Richard Yap at Robin Padilla (Kahit mahusay nang umarte nag-acting workshop pa)
Jodi Sta. Maria kinabahan sa dalawang karakter sa “Sana Dalawa Ang Puso”  katambal sina Richard Yap at Robin Padilla (Kahit mahusay nang umarte nag-acting workshop pa)

Jodi Sta. Maria kinabahan sa dalawang karakter sa “Sana Dalawa Ang Puso” katambal sina Richard Yap at Robin Padilla (Kahit mahusay nang umarte nag-acting workshop pa)

AMINADO ang lead actress ng pinakabago at pinakamalaking teleserye ng Star Creatives at ABS-CBN na “Sana Dalawa Ang Puso” na si Jodi Sta. Maria, para magkaroon ng bagong atake sa pagganap lalo sa dalawang karakter na kanyang gagampanan sa serye na sina Lisa (Manila girl) at Mona (probinsiyana) ay sumailalim ang Kapamilya actress sa acting workshop at may ilang tips siyang natutuhan rito.

READ MORE:  Jodi, muling nag-top sa klase

Hindi raw talaga biro ang mag-portray ng two characters at nakalilito lalo na kung sa isang araw ay sabay siyang kinukunan.

“May mga pagkakataon sa umaga gagawin ko si Lisa, sa hapon gagawin ko si Mona tapos sa gabi babalik ako kay Lisa.

READ MORE:  Robin, mas type makipagniig kay Mariel sa umaga

“Sa totoo lang nakalilito hindi naman ito isang snap na ‘eto ka na bagong character. ‘Yung eternalize nakatutulong to make character work. Para maging believable ang character,” sey ni Jodi na tulad ng mga leading men na sina Richard Yap at Robin Padilla ay excited na rin sa bago nilang show na nakatakdang mapanood ngayong 29 Enero sa ABS-CBN Prime Tanghali na papalit sa naiwang timeslot ng “Ikaw Lang Ang Iibigin” ng Kimerald.

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved