Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julia Montes, inasinta agad sa rating ang Katapat na si Kris Bernal
Julia Montes, inasinta  agad sa rating ang Katapat  na si Kris Bernal

Julia Montes, inasinta agad sa rating ang Katapat na si Kris Bernal

BRAVO to Julia Montes at co-lead actors sa “Asintado” na sina Shaina Magdayao, JC de Vera at Aljur Abrenica kasama ng mga premyadong stars na support nila sa pinakabagong teleserye sa Dreamscape Entertainment.

Sa pilot episode nitong Monday ng Asintado, agad silang nagtagumpay sa ratings game nang asintahin ni Julia ang katapat na show ni Kris Bernal sa GMA 7 na Impostora at talong-talo ang Kapuso actress.

Narito ang itinalang rating ng Asintado sa National with 17.7%, Rural 19.6% and Metro 16.8% base sa bagong datos ng Kantar Media National TV Ratings. Apat pa sa show ng Dreamscape at ABS-CBN ang nangunguna sa ratings ang FPJ’s Ang Probinsyano sa 41.6% (national) at 45.4% (rural), The Good Son 18.8% (national), 21.6 (urban), 24.8% (metro) Ikaw Lang Ang Iibigin, 17.3% (national), 15.2% (urban) 19.7 (rural) at ang Wansapanataym sa episode na Jasmin’s Flower Powers ng ElNella love team nina Elmo Magalona at Janella Salvador na humamig ng 30.7% sa national last January 14.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved