Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, wish pa ring mabuntis kahit may edad na
Aktres, wish pa ring mabuntis kahit may edad na

Aktres, wish pa ring mabuntis kahit may edad na

NAPAKADALI lang hulaan kung sino-sino ang mga karakter sa kuwentong ito.

Grabe na. Over na, ha?!” reaksiyon ng may-edad na female personality patungkol sa isang aktres na balitang nangangarap pa ring magbuntis sa kabila ng kanyang edad.

Ilang taon na ang nakararaan nang may makarelasyon ang isang aktres, mas bagets ito sa kanya pero naghiwalay din sila. Sa ngayon ay tila natagpuan na ng hitad ang ‘ika nga’y ipinagkaloob sa kanya ng tadhana.

Kaya naman aligaga ang aktres na mabigyan ng anak ang karelasyon ngayon, ito’y sa kabila ng kanyang edad na mahihirapan na talagang makabuo ng baby sa kanyang sinapupunan.

Kaya nang makarating ito sa isang may-edad nang babaeng personalidad ay napausal ito ng, “OA na, ha?!” 

Da who ang dalawang tauhan sa istoryang ito? Kahit obvious naman kung sinex sila, itago pa rin natin sila sa alyas na Lilet Solaire at Aya de la Cuesta. (Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved