Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 14-anyos tinurbo, erpat arestado
14-anyos tinurbo, erpat arestado

14-anyos tinurbo, erpat arestado

ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 34-anyos lalaki makaraan ireklamo ng kanyang 14-anyos dalagitang anak na dalawang beses niyang ginahasa, iniulat ng pulisya kahapon.

READ MORE:  School bldgs. bubuhusan ng pondo ng DepED

Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, dumulog sa kanilang himpilan ang biktimang si alyas Marie, Grade 8 student, residente sa San Sebastian St., Tondo, kasama ng kanyang nanay at tiyuhin.

READ MORE:  Fortun ‘sumuko’ bilang spokesman ni Cedric
KALABOSO sa mga tauhan ni MPD Station 1 commander Supt. Jay Dimaandal ang suspek na si Benjamin Cabuhayan alyas Benjie residente ng Brgy 121 Zone 9 Tondo, Maynila makaraang ireklamo ng kanyang 14-anyos anak na babae kaugnay sa dalawang beses na panghahalay na sumira ng pagkababae ng dalagita, Nabatid kay Ps1 Investigation Section Chief P/Insp Sugui na ang suspek ay mayroong dalawang kaso pa na Homicide sa Aklan anim na taon na ang nakalipas at Frustrated Murder sa Puerto Galera, Mindoro isang taon na ang nakakaraan. (Brian Gem Bilasano)

Base sa reklamo ng dalagita, dalawang beses siyang hinalay ng kanyang sariling ama na si Benjamin Cabuhayan, alyas Benjie, 34-anyos, nakatira sa Perla St., Brgy, 121, Tondo.

READ MORE:  Inmate nagbigti sa garter ng brief, agaw-buhay

Napag-alaman, naganap ang insidente noong 24 Nobyembre 2017 at 13 Enero sa kanilang bahay at sa bahay ng kanyang tiyahin na si Pauline, kapatid ng kanyang ama.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved