Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dalagita na-rape slay (Dumaan sa shortcut)
Dalagita na-rape slay (Dumaan sa shortcut)

Dalagita na-rape slay (Dumaan sa shortcut)

INARESTO ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Digos City, Davao del Sur.

Ayon sa ulat ng pulisya, nitong Sabado inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Alfonso Ignacio makaraan ituro ng kaniyang mga kaibigan na responsable sa pagkamatay ng 14-anyos biktima.

READ MORE:  Wanted Korean sex maniac arestado ng CIDG

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan nitong Sabado ng umaga nang balikan ng kanyang mga kaanak at kaibigan ang isang talahiban sa Brgy. Tiguman na dinaraanan shortcut ng biktima pauwi mula sa kanilang paaralan.

READ MORE:  3 dedbol sa ambush sa Malabon

Napag-alaman, nakahandusay ang biktima sa damuhan at walang suot na pang-ibaba.

Halos dalawang araw nawala ang dalagita makaraang hindi umuwi sa kanilang bahay noong Huwebes, 11 Enero.

Ayon sa mga kaibigan ng suspek, ginahasa ni Ignacio ang biktima at nang matapos ay hinampas ng bato sa ulo at mukha.

READ MORE:  Public funds ginagamit sa kampanya (Astang-Gloria gaya noong 2004)

May isa pang hawak na testigo ang pulisya na si Ignacio rin ang itinuturong responsable sa krimen.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong rape with homicide.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved